Horoscope | Pebrero 28, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 28, 2023
Sa may kaarawan ngayon Pebrero 28 (Martes): Dahil sa sobrang kabaitan mo, maraming malalapit sa iyo ang mananamantala. Ngunit sa kabila nito, patuloy kang pagpapalain ng langit. Ito ang payo ng kapalaran na kailangan mong pakinggan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang takdang araw para sa pagkakawang-gawa. Tulungan mo ang mga nangangailangan at karapat-dapat tulungan na hindi mo talaga kakilala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-20-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang mga nagpapakita sa iyo ng maganda. Dapat alam mo kung sino ang nagkukunwari at totoo. Sa pagsukat sa kanila, malalaman mo kung ano talaga ang kanilang pakay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-18-29-32-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap na naman ang iyong kapalaran. Muling darami ang maiinggit sa iyo, pero mas marami ang hahanga, at sasabihin na kakaiba ang pagkatao at suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-26-31-33.
CANCER (June 21-July 22) - Sumisikat na ngayon ang mga sinag ng iyong kapalaran. Madarama mo na papaganda na ang lahat para sa ‘yo. Huwag mong kakaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-17-25-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtatangka ang madidilim na ulap ng kapalaran na talunin ang magagandang araw mo. Hindi sila mananaig dahil likas kang buwenas sa araw na ito. Oo, likas kang suwerte! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-16-22-25-29-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Anuman ang hilingin mo, tiyak na matutupad. Iwasan mong mag-isip ng masama sa iyong kapwa dahil maaari rin itong magkatotoo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-18-21-29-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumitibay ang isang tao dahil sa pagsubok na kanyang hinaharap. Samantala, humihina naman siya kapag kanya itong tinatakasan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-22-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagod ka na sa pagtulong, pero hindi mo pa rin kayang hindi tulungan ang mga taong alam mong ikaw lang ang kanilang pag-asa. Hindi mo rin kaya na sila ay malungkot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-24-26-34- 41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ng bagong pormula para malutas ang iyong problema. Nagawa mo na ito minsan at muli mong magagamit ang iyong dating paraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-11-14-28-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panalo ka. Kumilos ka man o hindi, ikaw pa rin ang magwawagi dahil ang langit ay papanig sa ipinaglalaban mo. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-28-32-35-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi tubig ang dinayo mo sa malayo. Ihip ng hangin ang magiging dahilan kung bakit muling mananariwa ang hindi umuusad mong kapalaran.
Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-20-24-25-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka dahil ang gusto ng langit ay ang iyong kaligayahan. Huwag mong alalahanin ang mga nakaraang kalungkutan sa buhay. Alalahanin mo na ayaw ng langit na nawawala ang ngiti sa iyong mga labi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-17-24-26-31.




Comments