top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 27, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 27, 2023



Sa may kaarawan ngayon Pebrero 27. 2023 (Lunes): Bilang isang matagumpay sa buhay, inaasahan na makukuha mo ang mga ambisyon mo, sapagkat ikaw ay itinalaga na maging huwaran ng iyong kapwa. Ito ang kapalarang nakahanda sa iyo ngayon.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang sa langit, tiyak na ikaw ay pagbibigyan. Huwag nang lagyan pa ng kung ano-anong dekorasyon at paliwanag ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-20-21-24-29-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo kailangang maging matibay dahil kapag naging mahina ka, masasayang pagpasok ng napakaraming suwerte. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-28-30-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Dapat na malihis ang iyong isip sa kung ano ang tututukan mo ngayon. Higit kailanman, dapat mong unahin ang tungkol sa pagpaparami ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-15-29-31-34.

CANCER (June 21-July 22) - Makadarama ka ng ‘di mo maintindihang lungkot kahit pa walang sapat na dahilan. Huminahon ka, sapagkat ito ay pakiramdam lang naman.

Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-21-28-30-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sasang-ayunan ka ng iyong kapalaran sa mga plano mo. Ituloy mo lang ito dahil tiyak na papaboran ka ng langit s. Sigurado rin ang iyong pagwawagi at tagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-28-37-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gagamitin ka ngayon ng isang taong malakas ang loob pero hindi nito alam ang gagawin sa buhay. Magpagamit ka dahil ikaw din ay malulungkot kapag siya ay nabigo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-26-27-36-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwede na wala kang inspirasyon sa buhay, sapagkat sa pagtutok sa kung saan-saan, masasayang ang iyong kuwento ng kasaysayan at mauuwi sa kaunting sama ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-24-25-36-40-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gustong-gusto mong ilabas ang napakalalim na lakas ng loob, pero parang nahihirapan ka. Isipin mo na higit kailanman, ngayon ay kailangang-kailangan mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-29-30-32-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maglalabas-pasok sa isip mo ang magagandang bagay para sa iyong kinabukasan. Kung isa-isa mo itong gagawin ngayon, ito ay puwedeng magkatotoo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-21-22-27-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipilit ang gusto mo, mas makabubuti kung maghintay ka muna. Habang nangungulit, ang kinukulit ay lalong lumalayo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-14-21-25-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magmadali ka, huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Kapag nakita nilang umuunlad ang iyong buhay, sila na mismo ang kusang lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-26-28-30-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Subok na ang ganitong pormula para sa mga hindi makapagpasya at naduduwag na makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-16-25-26-32.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page