Horoscope | Pebrero 26, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- Feb 26
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 26, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 26, 2026 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte ngayon. Sa katunayan, nakakamangha ang maganda mong kapalaran. Kahit ang mga kaaway mo ay mahihirapan ding maniwala na may mga kakaibang suwerte kang taglay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka bibiguin ng iyong mga pampabuwenas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-24-36-37-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte, at kahit ikaw mismo ay hindi ka makakapaniwala. Pero ang totoo, langit ang nagpasya na regaluhan ka ng suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-21-27-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng bago para magbago rin ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-17-29-32-38-44.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ngayon ng iyong pandama. Madarama mo ngayon ang paparating na mga suwerte. Kaya gawin mo na ang mga planong ‘di mo nagawa noon, kapag natapos mo ito, sunud-sunod na suwerte na ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-22-35-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung sino ang masayahin sa mga kaibigan mo, siya ang samahan mo. Kapag masaya ka, mapapasaiyo lalo ang masasayang panalo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-14-20-32-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka puwedeng nasa bahay lang, lalo na’t ang mga suwerte mo ay nasa labas. Kaya kailangan mong mamasyal at maglibang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-23-31-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lang, magsuot ka ng damit na panlakad. Dahil ito ang sikreto ng kapalaran mo ngayon, kung saan mama-magnet mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-13-24-29-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka masaya, roon ka! Ito ang simpleng nagsasabing piliin mo ang mga taong may magandang impluwensiya sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-15-28-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sundin mo ang sarili mo dahil alam mo mismo kung ano ang makabubuti para sa iyo. Huwag kang makinig sa iba, kahit pa sa mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-19-26-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang sikreto ng kapalaran at sadyang mahirap paniwalaan. Maglinis ka ng bahay kahit ito ay malinis na. Gawin mo ito at makikita mo, bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-27-30-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Banatin mo ang katawan mo. Mag-ehersisyo ka, dahil kapag nabanat ang mga buto at laman mo, agad na papasok sa iyong kapalaran ang iba’t ibang uri ng suwerte at magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-19-24-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang makuntento. Kumilos ka pa nang kumilos nang sa ganu’n ay hindi masayang ang mga suwerteng maaari pang mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-26-31-33-43.



Comments