top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 26, 2023 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 26, 2023



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 26, 2023 (Linggo): Walang pagsubok sa buhay na hindi mo malalagpasan dahil sa tatag at tibay ng iyong personalidad. Ayon sa kapalaran, maaabot mo ang pinakamatayog mong pangarap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit malayo na ang narating mo, huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-23-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag pinakita mo ang iyong katapangan, mawawala ang mga kinakatatukan mong pagsubok. Hindi mo na kailangan pang makipaglaban. Muli, ipakita mong matapang ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-20-23-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit nalilito ka, kumilos ka ayon sa una mong plano. Sa tuloy-tuloy na pagkilos, ang pag-aalinlangan ay nawawala na parang bula. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-10-28-29-34-36.


CANCER (June 21-July 22) - Kilalanin mong mabuti ang mga lumalapit sa iyo. Sa ganitong paraan, hindi ka maiisahan ng may pansariling motibo. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-15-22-28-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang komunikasyon kahit hindi naging maganda ang pangyayari sa iyong dalawa ng naging bahagi ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-23-31-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaas mo ang antas ng pamamahala sa nasasakupan. Sa ganitong paraan, ang lahat ay lalong sisigla at ang gawain ay magiging mabunga. Ito ang utos ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-24-25-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bawat kilos ay lagyan mo ng saya. Saya ang totoong magsisilbing pampasuwerte mo at ito ay magpapatuloy habang ikaw ay nabubuhay. Muli, lagyan mo ng saya ang pagkilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-21-29-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ang ayaw sa iyo, dapat ayaw mo rin sa kanya. Kung magpipilit ka, ikaw ay gugustuhin, ngunit pilit lang din at hindi makatotohanan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-20-26-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi puwedeng maapektuhan ang desisyon mo ng kung sino-sino lang. Pero puwede kang humingi ng payo sa mas nakakataas sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay- beige. Tips sa lotto-15-21-23-27-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patuloy kang kukulitin dahil ang nangungulit sa iyo ay hindi maniniwala sa mga sinasabi mo. Mas pinahahalagahan niya ang mga ikinikilos mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-31-38-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumitindi ang kulay ng mga pangyayari sa iyong harapan. Sa magkahalong kaba at sigla, lalong kumikinang ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-23-31-32-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aatras nang kusa ang mga kalaban mo. Hindi dahil sa malakas ka kundi dahil napansin nilang pumapangit ang kanilang kapalaran habang sila ay nakikipaglaban sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-13-18-21-28-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page