top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 25, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 25, 2023



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2023 (Sabado): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Gamitin mo ito upang mapaunlad ang iyong negosyo. Huwag na huwag mong isantabi ang espesyal na katangian mong ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang pag-iisip ng mga bagong ideya na mag-aangat ng husto sa kabuhayan mo. Hindi ka manghihinayang kahit maraming oras ang gugulin mo sa pag-iisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-23-32-36-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpadaya sa sarili mo. Ang wala pa sa iyo ay hindi pa puwedeng bilangin o angkinin, gayundin ang mga ipapangako sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-10-14-25-26-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Makinig ka sa mga payo sa iyo. Hindi lahat ng araw ay kaya mong pasanin mag-isa ang mga problema. Huwag mong kalimutan na ang nakikinig sa payo ay mas hinahangaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-23-25-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Pagtatangkaan ka na paniwalain sa hindi naman puwedeng mangyari sa tunay na buhay. Lumayo ka muna sa nagkukunwaring alam niya ang lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-12-29-30-31-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Dahil hindi mo rin kayang iwasan ang kusang lumalapit sa iyo, turuan mo siyang makibahagi sa iyong mga abokasiya na pagtulong sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-28-35-37-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakapagod ang mag-isip nang mag-isip. Pero ang kumikilos nang masaya ay hindi nakakadama ng pagod. Sa halip na mag-isip, magsaya ka nang magsaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-28-36-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tinatangay ng hangin ang mga munting buto na magiging ganap na puno. Kahit saan ka pumunta, magtanim ka ng magagandang halimbawa sa kapwa. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-11-13-22-26-30.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag natutukso kang patulan ang mga walang kuwentang nilalang, tandaan na hindi mo dapat ibaba ang pagkatao mo sa kanila. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-15-23-27-35-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maniniwala sa magsasabing kailangan mong baguhin ang nakasanayan mong paraan. Dahil kung saan nasanay ang tao, hindi siya magkakamali. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-29-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano lang ang iyong kaya, ‘yun lang ang para sa iyo. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili dahil sa lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-23-27-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag nagbabago ang patakaran, nahihirapan ang mga mamamayan. Kahit mahirapan, kailangan mong sumunod dahil sa huli ay masasanay ka rin. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-14-18-20-23-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi katwiran na kapag wala ka, hindi na maaayos ang iyong iiwanan. Kapag kailangang umalis para sa ikauunlad ng inyong kabuhayan, gawin mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-16-25-26-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page