top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Pebrero 25, 2021 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2021 (Huwebes): Taglay mo ang mayamang imahinasyon. Ito na mismo ang susi para yumaman ka. Ingatan mong magamit ang iyong imahinasyon sa negatibong paraan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang lungkot at huwag mong takasan. Sa iyong paglaban sa kalungkutan, magkakaroon ka ng tiwala sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-20-23-34-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Damdamin mo lang ang angal nang angal. Wala namang magagawa ang mga ito kundi ang umangal lang. Ituloy mo ang pagsunod sa mga patakarang inilatag ng mga awtoridad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-21-27-31-39-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong hayaang mamatay ang ningas ng pag-asa na nakikita ng mga nasa iyong paligid. Maging huwaran ka sa mahihina at ipakita ang lakas na lumaban sa hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-24-27-30-42.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nasa tabi mo, ‘yun ang asikasuhin mo. Ang nasa malayo ay pakitaan mo ng simpatya dahil sa ganitong paraan, magagawa mong ipadama na mahal mo sila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-21-28-33-38-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang gaanong makisakay sa karamihan. Likas sa iyo ang nag-iisip nang mag-isa. Maganda ang ganito dahil noon pa man ay hindi ka naiimpluwensiyahan ng iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-27-31-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumanig ka sa kung sino ang matuwid kahit sa totoo lang ay may mga pagkukulang ka rin naman. Ang isa pang totoo, alam mo na mahina ka tulad ng mga hindi mo papanigan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-24-34-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang mga magaganap sa buhay mo kapag ang mga tao ay binigyan na ng kalayaan. Ikaw ay malilito sa dami ng may gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-21-27-31-37-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matalas ang mga mata mo sa mga puwedeng magbigay sa iyo ng malalaking kita. Ito ang wala sa marami na nagnenegosyo lang dahil nagaya sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-21-25-34-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isinilang ka para mamuno, kaya pamunuan mo ang pagtulong sa mga nangangailangan at kailangang pagmalasakitan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-23-34-39-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang sinasabi ng iba na mas mahirap ang susunod na mga araw. Gayunman, sa nagdaaang mga araw, mas lumakas at tumibay ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-21-26-34-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Akala ng iba, hindi mo kayang manatili sa bahay nang may katagalan. Ngayon ay napatunayan mo na ikaw ay may kakayahang labanan ang anumang sitwasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-27-32-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala nang talab sa iyo ang idaragdag na mga araw na walang kalayaan. Ang tao, kapag nasanay na sa hirap, hindi na rin siya mahihirapan. Ito ang hiwaga ng bawat nilalang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-29-31-36-38-45.

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page