top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 24, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 24, 2023



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2023 (Biyernes): Magkakamali, mabibigo at masasaktan ka, pero kikilos ang kapalaran mo, kung saan sa huli ay gaganda ang lahat para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ngayon ng pagkakataon na makatakas sa nadarama mong hirap sa paghahanapbuhay. Puwede kang lumigaya kung ang pipiliin mo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-26-29-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang buhay. Aakakain mong hindi ka sinusuwerte ngayon, pero ang totoo ay kabilang ka sa mga biglaang dadapuan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-29-30-36-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi na mahalaga kung ano ka at ano ang iyong ginagawa. Noon pa nagpasya ang langit na ngayon magsisimula ang magagandang bagay sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-25-26-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag hindi mo gusto, talagang hindi. Sa araw na ito, puwedeng magbago ang pasya mo, kung saan ang inaayawan mo ay maaari mong magustuhan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-23-35-37-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag agad maniwala sa matatamis na salita. Ito ang araw na sila ay naglalabasan at naghahanap ng mabibiktima. Muli, huwag kang maniwala dahil tiyak na sila ay manloloko. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-28-31-39-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang mga araw na kapag sinimulan ang matagal nang balak na negosyo, magsisimula na rin ang pagyaman mo. Ano pa ang iyong hinihintay? Magnegosyo ka na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-22-27-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct 22) - Makakalimutan ng mahal mo ang iyong mga pagkukulang, gayundin ang kanyang pagtataka. Kung anong magpapasaya sa iyo, kanyang ginagawa. Ito ang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-21-27-28-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov.21) - Wala kang karapatang tumutol ngayon. Bakit ka tatanggi sa magagandang handog sa iyo, gayung wala namang mawawala sa iyo ang kahit isang sentimo? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-24-26-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo magagawang maghigpit ngayon dahil ang maghahari sa iyo ay pag-ibig. Kahit ang lagi mong napipintasan ay hindi mo magagawang masermunan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-22-25-26-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan.19) - Minsan, dahil lang sa isang ngiti, nagbabago na ang buhay. Ang simple at tipid na ngiti mula sa iyong labi ay sapat na para gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-14-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb.18) - May mga senyales na mapapalapit ka sa bagong kakilala at mayayanig ang buhay pag-ibig mo. Bago tuluyang masira, kung sino ang mahal mo, siya ang asikasuhin mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-26-28-30-42.

PISCES (Feb.19-Mar. 20) - Gagaan ang pakiramdam mo ngayon, parang himalang nawala ang lahat ng iyong alalahanin. Palantandaan ito na nagsisimula nang magdatingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-26-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page