Horoscope | Pebrero 24, 2021 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 24, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2021 (Miyerkules): Kahit naman ikaw mismo ang gumagawa ng ikapapangit ng iyong buhay, hindi pa rin nagsasawa ang langit na isaayos ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kusang pagagandahin ng kapalaran mo ang iyong mga nararanasan na ayon sa iyo ay hindi maganda. Kahit naman noon ay kumikilos ang kapalaran mo para sa ikagaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-28-29-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madali mong magagawa ang anumang gusto mong gawin. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito, kaya gawin mo na ang mga hindi mo nagawa sa nakaraan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-18-23-28-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong magtagal sa harapan ng isang masarap kausap dahil hahanap-hanapin mo siya na maaaring maging dahilan ng mga problema sa kasalukuyang buhay pag-ibig mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-37.
CANCER (June 21-July 22) - Muling lumakas ang iyong likas na gayuma. Puwede mo itong magamit sa pagpapaunlad ng negosyo. Dahil ang likas na gayuma ay para rin sa pang-akit ng mga bagong suki. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-24-28-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang matakot sa mga nagpapadama sa iyo ng kakaibang pagtingin. Sila ang dapat mag-alala dahil hindi ka naman nila puwedeng mabihag. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-17-20-23-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang panahon para bigyan ng bagong saya ang iyong buhay pag-ibig. Ang masayang balita ay ang mga problema na halos sumira sa buhay mo ay tapos na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-16-20-25-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay mapapahiya. Ang naghahangad na mabigo at masaktan ka ay makararanas ng mga kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-18-26-30-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit hindi ka pa mapakamasyal sa malalayong lugar, kailangan mo ring magsaya ngayon. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-15-23-31-35-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga may mahihinang kalusugan. Hindi ka puwedeng magkasakit, lalo na sa panahon ngayon na marami kang inaasikaso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-24-25-32-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka maaawat sa pagtutok sa iyong mga obligasyon. Habang ginagawa mo ito, ikonsidera mo rin ang panandaliang pamamahinga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-19-20-23-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil mas gugustuhin mo sa labas ng bahay kahit sa totoo lang ay wala ka namang tiyak na pupuntahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-27-33-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang pipiliin mo. Masuwerte ka dahil ang mapipili mo ay nagtataglay din ng gandang panloob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-37-40-41-45.




Comments