top of page

Horoscope | Pebrero 23, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2026 (Lunes): Mabilis ka sa lahat ng bagay. Sa biglang tingin, ito ay isang kahinaan, pero ito rin ang magbibigay sa iyo ng masuwerteng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka dahil sa pagiging marahan, makikita mo ang lahat ng anggulo sa bawat pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-14-23-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat ang mga kaganapan dahil biglang mababago ang iyong isipan, na posibleng hindi agad matanggap ng kinauukulan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-20-28-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw mo. Sinumang sumalungat sa kagustuhan mo ay masasaktan, habang ang mga taong papanig naman sa iyo ay makakabahagi ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-18-25-31-42.


CANCER (June 21-July 22) - Susunod ka sa kagustuhan ng ibang tao pero ang hindi nila alam ay iba ang nasa loob mo. Kaya sa huli, susundin mo kung ano ang sarili mong pinaniniwalaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-27-30-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo at huwag kang kikilos na para kang bigo, dahil mabibigo ka talaga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-22-34-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil muling magaganap na ang ayaw mo ay mapapasaiyo, pero laking gulat mo dahil ang ayaw mong ito ay ang suwerte pala sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-18-21-32-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibilis ang mga kaganapan. Parang isang kisapmata, iba na ang iyong yakap-yakap at ito ang suwerteng hindi mo akalaing mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-11-17-28-31-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino may mabilis na katangian, sa kanya ka sumabay. Makakaasa ka na mabilis ding mapapasaiyo ang kaligayahan at maunlad na pamumuhay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-16-27-33-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na itinakda ng langit upang manguna at mamuno ka. Kaya huwag na huwag kang tatanggi sa nasabing alok dahil pagkakataon mo na ngayon upang tuluy-tuloy na sumikat at umunlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-20-29-36-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lahat ng bagay ay nagbabago at ang magbabago para sa iyo ay ang biglang pagbait at pagbalik ng espesyal na pagmamahal sa iyo ng iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-22-24-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang mag-iisip na sila ay nakalimutan mo na dahil sa biglaang pagganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-15-29-34-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong kalimutan na ang ehersisyo ay mahalaga sa tao. Muli kang sisigla kung magbabanat ka ng buto. Sa panahon ngayon, hindi mo puwedeng pabayaan ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-21-25-33-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page