Horoscope | Pebrero 23, 2025 (Linggo)
- BULGAR
- Feb 23
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 23, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2025 (Linggo): Yayaman ka sa pagnenegosyo at makakaalis ka na sa pamamasukan, dahil ang pagnenegosyo ang linya na dapat mong tahakin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malaki ang posibilidad na lumaki ang kita mo. Simple lang ang gawin mo, makipagsapalaran ka. Kumbaga, ‘wag kang maduwag. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-29-35-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Gusto ng langit ay sumaya ka. Sundin mo ang kalooban ng nasa itaas, nang sa gayun ay mapagbigyan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-20-25-30-32.
GEMINI (May. 21-June. 20) - Nakakatuwa ang mga kaganapan ngayon, dahil ang mga taong nakagawa sa iyo ng pagkakamali ay muli mong pagbibigyan, subalit ‘di na sila makakatakas sa batas ng karma. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-23-37-43.
CANCER (June. 21-July. 22) - Huwag mong gamitin ang kupas na kulay, bagkus ang dapat mong gamitin ay ang makikislap na kulay upang magkaroon ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-19-25-34-42.
LEO (July. 23-Aug. 22) - Hindi ngayon ang panahon upang magpahinga. Bagkus, ngayon ang araw upang mas paramihin mo pa ang laman ng iyong kaban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-20-30-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mangutang, dahil ang mga nagpapautang lamang ang umuunlad. Huwag ka nang tumulad sa iba na may negosyo nga, pero baon naman sa utang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-24-29-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglang lalakas ang gayuma mo ngayon. Kaya naman, pag-aralan mo nang mabuti kung paano mo ito mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-27-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang matakot na magdagdag ng puhunan. Bagkus, iwasan mong magamit ang kita mo para sa mga personal na bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-21-26-34-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masaya kang kikilos, kaya mahahawa ang mga nasa paligid mo. Ito ay isang magandang senyales na nagsasabing mapapabilis na ngayon ang iyong proyekto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-14-17-22-29-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala namang mawawala kapag sinunod mo ang payo na isuot mo ang iyong mga alahas. Sa katunayan, mas madagdagan pa nga ito dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-15-23-28-33-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Hindi na mahalaga kung maniniwala o mag-aalinlangan ka, dahil noon pa nagpasya ang langit at hindi na ito magbabago pa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-6-13-19-27-35-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang iyong mga kahilingan. Ito ay isang makabagong paraan upang magkatotoo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-21-28-37.
留言