top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Pebrero 23, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 23, 2023



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 23, 2023 (Huwebes): Mabibilis ang pasya mo, pero wala kang dapat ipag-alala dahil kadalasan ito naman ay tama. Sa kabilang banda, kapag binagalan mo naman ang iyong desisyon, ikaw ay kadalasang nagkakamali.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpapatuloy ang mabilis mong pag-asenso, kaya ipagpatuloy din ang positibong pananaw na huwag mong papasingitin ang pag-aalinlangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-25-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas matutuwa ka sa mga nagdaratingang suwerte dahil hindi mo akalain na kapag ito’y dumating, ito ay parang ulan na tunay na bumubuhos at bumabaha. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-24-29-36-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyong-iyo ang araw na ito, gayundin ang mga araw na paparating pa. Maging masinop at iyong pahalagahan ang mga biyaya na mapasasaiyo, huwag mong sayangin ang mga ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-24-28-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na dapat mong sanayin ang iyong sarili na tumanggi. Dahil alam na alam mo na ang salitang “hindi” ay wala na sa iyong bokabularyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-24-28-35-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Higit kailanman, ngayon mo kailangang maging alisto dahil dadaan ang malalaking oportunidad buhay mo na kung hindi agad mapapansin ay iyong panghihinayangan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-17-21-23-38-40-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumaya ka ngayon! Makipagpalaran ka at gawing puhunan ang mga natutunan sa iyong mga karanasan. Alalahanin na sa iyong pagtaya sa kahit anong hamon ng buhay, tiyak ang panalo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-18-23-37-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matakot na humingi ng payo sa may alam. Ang katakutan mo ay ang kawalan mo ng sapat na kaalaman sa papasukin mong hanapbuhay. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-26-27-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipagtatanggol mo ang maniniwala sa iyo. Magugulat ka dahil siya mismo ang haharap sa laban mo at ikaw ay susuporta lang sa kanya. Ang panalo ay tiyak na matatamasa n’yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-19-21-26-27.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nadadapa ang nagmamadali. Ang marahan naman ay nagmamasid sa paligid, kaya nakakaiwas sa disgrasya. Ikaw ay na mapabilang sa huli upang makaiwas ka sa disgrasya at suwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19- 15-25-26-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kani-kanya ang bawat tao. Kapwa may sari-sariling laban, kaya huwag kang makisali sa problema ng iba. Mas maganda na unahin mo ang sarili mong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-23-28-34-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bawasan mo ang pagiging malapit sa isang tao, lalo na kung hindi tiyak kung siya na ang makakasama mo habambuhay. Posible kang mapahamak ulit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-24-27-35-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumising ka sa katotohanan na hindi sapat ang pagmamahal para mabuhay. Lakasan mo ang iyong loob, maging matapang ka na maghanapbuhay sa malayong lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-22-24-25-31-32-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page