Horoscope | Pebrero 22, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 22, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 22, 2026 (Linggo): Huwag mong isipin na mahina ka! Mas malakas ka kesa sa mga taong nag-aakalang sila ay malakas. Kaya tiyak na mabibigo ang iyong mga kalaban at sila ay aani ng masaklap na kapalaran, habang ikaw naman ay patuloy na magtatagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka! Kapag nakita nilang may paninindigan ka, mas dadami ang maniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-24-32-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapaimpluwensiya sa mapagpilit at sobrang makukulit. Simple lang ang buhay mo at sa simpleng paraan, puwedeng-puwede kang umasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-22-30-35-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong piliin. Oo, dumaan ka rin sa hirap pero noon pa iyon at iba na ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-10-14-28-38-43.
CANCER (June 21-July 22) - Araw mo ngayon, kaya anuman ang iniisip at binabalak mo, gawin mo na agad. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-16-19-24-31-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Balewalain mo ang mga intriga sa buhay mo dahil masasayang lang ang panahon mo kung papatulan mo ito. Ilaan mo na lang ang oras mo sa mga makabuluhang proyekto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-21-25-33-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi naman ganu’n kahirap talunin ang mga pagsubok sa iyong harapan. Magpakita ka lang ng tapang at lakas ng loob, mawawala rin ito na parang mga bula. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-26-37-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Labanan mo nang mukhaan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-22-30-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Piliin mong mag-isa kesa may kasama, para hindi na maging magulo pa ang iyong buhay. Sa pananahimik, nakikita ang landas na dapat tahakin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-19-27-32-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantalang maaantala ang mga gusto mong gawin dahil tatalunin ka ng hindi maipaliwanag na katamaran. Muli, ito ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-18-26-31-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong mabibigo ka, pero kapag itinuloy mo ang gusto mong gawin, ikaw na mismo ang magsasabi na likhang-isip lang pala iyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-28-30-33-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gibain mo ang pader ng karuwagan na nakapalibot sa iyong kapalaran. Kumilos ka ayon sa iyong kagustuhan, makikita mo na ang nasabing pader ng takot ay matitibag mo rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-20-23-35-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo para hadlangan ka sa iyong pangarap. Ito ang isipin mo ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-13-22-29-38-41.






Comments