top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 22, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 22, 2023



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 22, 2023 (Miyerkules): Mas

malakas sa iyo ang kapalaran mo dahil dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo ang malalaking suwerte. Muli, ang kapalaran mo ay mas malakas kaysasa iyo.


ARIES (Mar.21-Apr. 19) - Huwag kang sumalungat sa agos ng iyong kapalaran. Magtiwala kana hindi papayag ang kapalaran mo na hindi ka aangat nang husto kaysa sa iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-29-32-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang palihim. Ibig sabihin, huwag mong ilantad ang mga balak mong gawin. Lihim ding kikilos ang langit at sa huli, susuko sa iyo ang mga kalaban mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-21-25-28-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang kukurap dahil ang nagtatagumpay ay ang hindi

kumukurap. Habang ang mga kumukurap ay tiyak na mapapasama sa sangkatutak na

mga bigo at talunan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-24-26-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kapag sumama ang loob mo ngayon, huminto ka muna kahit

sandali lang at sabihin mo sa iyong sarili na ayon sa kapalaran, ang kasunod ng

sama ng loob ay malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa

lotto-17-20-23-26-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang nangyari na, kung saan kumilos ang mga lantadat lihim mong kaaway. Gayunman, habang sila ay kumikilos, ikaw ay sinusuwerte. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang patuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-17-27-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit mahirap sundin, gawin mo pa rin ang banal na utos na

mahalin mo ang iyong kaaway. Sila ay gawan mo ng kabutihan kahit hindi nila alam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-28-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag kailangan, kusang kumikilos ang kapalaran.

Hindi mo man maunawaan ang mararanasan mo ngayon, sa huli, ikaw ay magagalak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-22-23-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumabata ang matatanda at marami ang namamangha.

Ang kapalaran mo ngayon ay tulad ng batang toro na puno ng pangarap, sigla at pag-asa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-21-22-29-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan, ngunit isang katotohanan na

ang taong gustong magtagumpay, ‘di nahuhuli at nabibigo. Tagumpay ang ibinabalita ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-21-22-25-28-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matamlay ang buhay kapag walang pakikipagsapalaran. Nananamlay ka ba? Wala ka bang sigla? Makipagsapalaran ka! Hindi puwedeng manatiling matamlay ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-26-29-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakasingit ang liwanag kahit gaanuman kakapal ang ulap. Sisingit sa iyong palad ang isang munting buwenas na sa huli ay magiging malago at mabungang puno. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-20-21-25-27-30.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madadama mo na parang masikip sa iyo ang mundo.

Kung magiging matiisin at mapaghintay ka, sa huli, sasaiyo ang halos hindi masukat na ari-arian, suwerte at malalaking kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-9-11-15-26-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page