Horoscope | Pebrero 22, 2021 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 22, 2021 (Lunes): Napakalakas ng iyong personalidad. Ito ang lihim na dahilan kaya nakakabangga mo ang kapwa mo rin malakas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong pansinin ang mga sumasalungat sa iyo dahil wala naman silang mabuting maitutulong. Kahit naman ano ang gawin mo, palagi rin naman silang kokontra sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mo kung ano ang iyong kaya at ipakikita naman ng langit kung ano ang kaya Niya. Ito ay nagsasabing ang mga suwerte ay mapasasaiyo kung kikilos ka para sa pangarap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-24-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Pero ang mga karibal mo ay kakapusin sa buwenas habang nakikipaglaban sa iyo. Ganyan ka kamahal ng nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-13-18-21-23.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili dahil lang ayaw sumunod ng isang tao sa gusto mo. Siya ang dapat mahirapan at magdusa dahil mas mapalad ka kaysa sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-27-30-33-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang nakatutok sa isang tao na hindi ka naman pinahahalagahan. Dapat kang magising ngayon sa katotohanang nagsasayang ka lang ng mahalagang panahon sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-25-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Okey lang kung may magsabi sa iyo na wala kang plano sa buhay mo. Ang hindi nila alam, may plano sa iyo ang langit kung saan sa huli ay hahangaan ka at kikilalanin ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-29-31-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili dahil ito ang tunay na sikreto ng tagumpay. Ito rin ay lihim na ginagawa ng mga kasalukuyang nagtatagumpay at nagtagumpay na sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-20-21-25-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon mo na kailangang ilabas ang iyong nakatagong lakas ng kalooban. Ang mga alahas, kahit gaano kaganda ay walang saysay kung palagi lang nasa lalagyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-13-16-21-23.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy ang pagsulong ng mundo at lalong nagiging moderno sa kabila ng katotohanan na may gabing madilim. Huwag mong isiping negatibo ang sariling gabi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-26-34-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtataka ang mga lihim mong kaaway dahil mas gumaganda ang buhay mo kaysa sa kanila, gayung ayon sa kanila ay mahina ka at sila ang mas mahusay kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-18-22-27.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo na may mga pagkukulang ka dahil ang may kulang ay nadaragdagan. Isa itong sikreto ng buhay ng mga umaasenso at nagsisiyaman pa kahit sila ay mayaman na. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-10-15-16-28-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa iyo, paramihin mo. Ang munting butil ng palay, kapag itinanim ay dumarami nang dumarami. Hindi ito mahirap gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-21-46.




Comments