Horoscope | Pebrero 21, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 21, 2021 (Linggo): Hahawak ka ng matataas na katungkulan dahil ikaw ay isinilang para mamuno at mamahala. Ito ang nakaguhit sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habang paparami ang iyong yaman, huwag mong kaligtaan na dapat ay nakasayad sa lupa ang iyong mga paa. Dahil ang nakasayad ang mga paa sa lupa ay hindi bumabagsak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-39-31-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bawat kilos na gagawin mo ay kilos papataas. Bakit hindi ka kikilos? Hahayaan mo bang manatili kang nasa ibaba at hindi ka na umuunlad? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-24.
GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng makatutulong sa iyo para umangat ang buhay mo. Hindi puwedeng wala kang pag-asenso kahit pa sabihin na sa kasalukuyan ay masarap naman ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-25-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo ang inaalok sa iyo kung makatutulong sa buhay mo. Pero kung wala ka namang mapapalang anuman, bakit mo nga ba ito tatanggapin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-25-31-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumanat ka, ngayon na! Ikilos mo ang iyong katawan nang sa gayun ay mas umulad ka pa. Muli, bumanat ka para sa ikagaganda pa ng iyong kalagayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-17-21-25-33-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong marami ang mga pangarap mo. Sa dami nito, hindi ka na makakikilos. Pumili ka ng isa, tutukan mo at makatitiyak ka na malayo ang iyong mararating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-16-19-20-24-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin sa dingding, mawawala ang lungkot at ikaw ay sobrang sasaya dahil ang salamin ay hindi nagsisinungaling na ikaw ay tunay na mas maganda kaysa sa iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-16-23-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa tapos ang masasayang araw mo. Nagdaratingan pa ang maraming regalo sa iyo ng langit. Huwag kang tumulad sa marami na hindi sinisinop ang mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-15-20-25-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ay araw mo at ang ilang araw pang darating ay sa iyo rin. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito, kumilos ka para mas gumanda pa ang kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-20-21-26-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutulungan ka ng nakatataas sa iyo. Ang mga may sinabi, handa ring alalayan ka at ang mayayaman, nakalaan na ikaw ay paboran. Ito ang mensahe ng para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-19-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito kung kailan puwede kang makinabang na ang iyong pakinabang ay marami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-30-39-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi man karamihan at kalakihan, ang mga suwerteng mapasasaiyo ay sapat na para masabi mong ang langit pala ay hindi bingi sa iyong mga kahilingan at panalangin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-21-28-37-40-44.




Comments