top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 2, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 2, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2023 (Huwebes): Mabait sa iyo ang langit dahil huwaran ka sa kabaitan. Ito rin ay nagsasabing, kaya ka masuwerte kaysa sa ibang nilalang ay dahil sa iyong kabaitan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mananalo ka kapag nakipagsapalaran ka sa hanapbuhay o negosyo atbp. Ang magara pa nito, ang panalo mo ay ireregalo ng iyong kapalaran, kaya magkakamal ka ng limpak-limpak na salapi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-20-25-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mababa ang loob at luha mo ngayon. Mas maganda na lumayo ka muna sa mga palahingi, gayundin sa mga nagkukunwaring nakakaawa. Ito ang paalala ng kapalaran mo, kaya sundin mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-21-27-30.

GEMINI (May 21-June 20) - Suriin mo muna nang mabuti ang iyong mga maririnig. Hindi porke magandang pakinggan ay maganda rin ang ibubunga nito para sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-15-26-28-33.

CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang takdang araw at ito ay ngayon, kung kailan ipapadama sa iyo ng langit na ang mga hiling mo ay isa-isang nagkakaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-27-28-30-31-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mali ang akala mo na dahil maganda ang pakisama sa iyo ay palagi nang ganu’n. Mag-ingat ka sa mga nagkukunwaring kaibigan, ngunit sa huli, siya ang tatraydor at sasaksak sa iyong likuran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-35-37-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang kapalaran ang nasa iyong harapan, pero kapag nag-alinlangan ka, masasayang at mapupunta ito sa iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran para sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-23-24-26-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maiisahan mo ngayon ang madalas na nanghihingi sa iyo ng pabor. Mas malaki sa mga dating nahingi niya ang biglang mapupunta sa iyo nang hindi n’yo kapwa inaasahan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-19-20-23-25-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon na ito. Gayunman, mas maganda kung sa larangan ng kabuhayan ka tututok. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-27-35-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Limitahan mo ang iyong mga kilos. Gayundin, bawasan mo ang pagiging agresibo. Bawat gagawin mo, isipin mo munang mabuti dahil ang sugod nang sugod ay madalas na nabibigo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-14-15-27-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang kukurap. Ito ang kadalasang payo para magtagumpay sa buhay, pero hindi ito puwede sa iyo ngayon dahil sa pagkurap mo, mas gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-15-23-35-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka sa payo ng malapit sa iyo. Hindi puwede ang nakasanayan mong nagbibingi-bingihan sa mga payo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-27-21-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magugulat ka dahil walang sagabal sa mga plano mo. Mayroon mang magtangkang humadlang sa iyo, langit mismo ang makakabangga nila. Muli, walang sagabal sa mga plano mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-25-28-30-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page