Horoscope | Pebrero 19, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 19, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2023 (Linggo): Bihira ang mga isinilang na kabilang sa mga pinagpala. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing, ikaw ay kabilang sa mga sa bihirang pinagpala. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng munting suwerte na kung ikaw ay matagpuang
may masayang kaisipan, ang binhi ng magagandang kapalaran ay lalago tulad ng matataas na punong-kahoy. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-11-16-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang may masayang personalidad, sa kanya ka dumikit. Bukod sa sasaya ka rin, mahahawa ka sa magagandang kapalaran na mayroon siya. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-12-19-21-25-35-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbubunga ng suwerteng biglang sumaiyo ang mga kabaitan at pagtitiis na ginagawa mo ngayon. Maraming suwerte ang ibubunga nito, kaya masasabing mapalad ka ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-28-31-32-39.
CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang lungkot. Kahit maglungkot-lungkutan ka, wala kang magagawa dahil ikaw ay sasaya pa rin. Sa mga panahong ito, patuloy kang pasasayahin ng langit. Ito ang dikta ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-22-23-31-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakapiling mong muli ang mga araw na mabilis mong nakukuha ang bawat hangarin mo. Ikaw ay pinapayuhan na ang dapat mong hangarin ay ang masaganang kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-17-24-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masuwerte ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing pakitaan mo ng mabuti ang iyong kaaway. Magugulat at hindi ka makakapaniwala sa mangyayari dahil bigla kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-25-27-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na ididikit ka ng iyong kapalaran sa isang handang bigyan ka ng masarap na buhay. Nasa iyo ang pagpapasya dahil hawak mo ang iyong kalungkutan at kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-14-15-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habaan mo ang iyong pang-unawa. Kapag mahaba ang pang-unawa ng isang tao, makikita niya ang tamang paraan ng pagdedesisyon na magbibigay ng suwerte at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-21-28-32-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nagbabago ang langit, hinihintay ka pa rin nito na yakapin ang landas ng pagkakasundo. Hindi dapat tumigas ang ulo mo dahil sa mahigpit mong paninindigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-15-17-20-23.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ang dala mo sa sinumang didikit sa iyo. Para sa mga lalayo sa iyo, kamalasan sa buhay ang kanilang sasapitin dahil kapag lumayo sila sa iyo, parang inayawan na rin nila ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-19-21-27-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbalik ang mga araw na magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang bagay na hindi mo pinangarap na mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-15-22-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang gusto mo. Sa buhay nating ito, may madali at mahirap ding kunin, ngunit mahirap man ay mapasasaiyo pa rin. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-18-25-28-38-42.




Comments