Horoscope | Pebrero 18, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 18, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2023 (Sabado): Isinilang ka na may kakambal na lakas ng loob na puwede mong magamit sa pagpapayaman. Ang payo ay gamitin mo na ito ngayon. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito, kaya gawin mo na ang anumang gusto mo. Binibigyan ka ng langit ng kalayaan na magawa nang matagumpay ang mga nais mong gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-28-30-32-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang masuwerteng araw para simulan ang mga proyektong magpapaunlad sa buhay mo. Gawin mo ito nang mabilis at walang pag-aalinlangan. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-26-27-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Lahat ay nagbabago sa ibabaw ng mundo. Ang mas madalas na makaranas ng mabilisang pagbabago ay ang tulad mo na pabago-bago ng pasya. Ito ang katotohanan sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-20-22-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nahahawakan, ‘yun ang katotohanan sa mundo ng reyalidad. Ang mga akala mong totoo ay pagpapantasya mo lang. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-11-16-28-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Inihahanda na ng langit ang daan ng kaunlaran sa iyong buhay. Ihanda mo rin ang iyong sarili dahil kapag nanatili ang hindi magagandang katangian, mababalewala ang inihandang kaunlaran ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-27-35-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang balikan ang hindi natapos na nakaraan. Maghintay ka ng tamang panahon. May mga araw para sa pagbabalik sa nakaraan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-24-25-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ginawang mapalad ng langit ang araw na ito. Lahat ng mga suliranin mo ay isa-isa nang mawawala at mapaparam. May isang kundisyon lamang, panatilihin mo ang pag-ibig at pagmamahal sa iyong pamilya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag may naranasan kang pagbabago na hindi mo magugustuhan, huwag mong pilitin na labanan. Kumikilos ngayon ang kapalaran para sa iyong ikauunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-28-30-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit may kahinaan at pagkukulang ka, patuloy na pagagandahin ng langit ang iyong buhay. Wala kang magagawa dahil ito ay matagal nang nakaplano sa itaas bago ka pa isilang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-14-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinatatag ka ng langit sa nakaraan, kaya ngayon ay kayang-kaya mo ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Muli, pinatatag ka ng langit. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-27-30-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya na malungkot. Madalas na mangyari ito sa buhay mo. Oo, ngayon ay sasaya ka dahil nagbabago ang takbo ng buhay mo, pero malungkot ka rin dahil sa mga maling nangyayari at mangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-23-24-26-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang ayaw huminto na masira ang buhay mo dahil ang langit ay kakampi sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-20-25-27-36-41.




Comments