Horoscope | Pebrero 17, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 17, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2023 (Biyernes): Dala mo ang suwerte kahit saan ka pumunta. Gayunman, hindi ito aaminin ng iba dahil baka lumaki ang ulo mo. Ito ay totoong-totoo. Pakinggan moa ng mensahe ng araw ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gagana ang mga suwerte mo kapag hindi mo pinansin ang iyong kinaiinisan. Kaya mas maganda na kahit masakit ang iyong tainga, tumahimik ka na lang para hindi ka apektado. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-25-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto mo bang magdatingan ang mga bagong suwerte sa buhay mo? Syempre, oo. Bumili ka ng bagong banga o bagay na gawa sa pinatigas na lupa tulad ng palayok at iba pa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-22-27-30-31-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli mong isuot ang paborito mong damit kahit ito ay hindi na uso dahil ito ang iyong pampasuwerte ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-24-25-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit pakunwari lang, kumilos ka nang masaya. Ang pananatili sa kalungkutan ay sagabal at puwedeng maging hadlang sa nagdaratingan mong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-23-27-29-30-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dilaw ang kulay ng Haring Araw, ito rin ang kulay ng ginto at masaganang buhay. Magsuot ka ng dilaw o yellow at ihanda ang iyong sarili sa mga biyayang paparating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-21-26-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masayang kaibigan ang iyong pampabuwenas, pero kailangan mong sumakay sa kanyang mga kuwento kahit ang marami sa mga ito ay hindi naman talaga totoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-22-29-31-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka masaya, ‘yun ang gawin mo. Kung babalikan mo ang nakaraan, tuwing masaya ka, ang mga suwerte ay nag-uunahang dumapo sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-24-27-33-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nag-alalay ang tao sa kanyang Diyos para suwertehin. Sa ngayon, mismong langit ang mag-aalay sa iyo ng magagandang kapalaran dahil sa mga nagawa mong kabutihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-15-20-21-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon at medyo mahirap paniwalaan. Pero kapag kumain ka ng mga hinog na prutas, ang magagandang bagay ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-27-33-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadalawain ka ng magagandang kapalaran na may kaugnayan sa materyal na bagay. Ang anumang materyal na bagay na mapasasaiyo ay madodoble hanggang sa umunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-20-25-29-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masarap makinig sa kuwento ng buhay na alam mo na rin naman. Pero ang maganda rito, sa iyong pakikinig, ang mga suwerte na ikinukuwento niya sa iyo ay mararanasan mo rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-23-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit nasa bahay ka lang, isuot mo ang iyong sapatos na panglakwatsa. Hindi mahalaga kung mag-aalinlangan ka, ang importante ay magdaratingan ang mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-24-29-31-32-38.




Comments