top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 15, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2023 (Miyerkules): Magaganda ang mga bagay na inihaharap sa iyo ng langit. Ito ay malinaw na palatandaan na hindi lang magagandang tao ang madidkit sa iyo kundi maging ang magagandang kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napapaligiran ka ng mga tukso ngayon. Tulad ng dati, mas pahahalagahan mo ang iyong kinabukasan at ang iyong ambisyon ay uunahin mo kasya sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-27-28-30.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang panalo ngayon. Sino naman ang mga talunan? Sino pa nga ba kundi ang lahat ng kontrabida sa buhay mo, gayundin ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-22-23-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Pang-unawa ang kailangan mo ngayon. Unawain mo ang mga taong nakikita mo na hindi umaayon sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-21-25-27-41-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang araw na nasa malakas na kalagayan ang iyong kutob. Makukutuban mo ang motibo ng iyong makakaharap. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-20-21-29-32-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ayaw mo, tulungan mo ang lalapit sa iyo. Nakamasid ang langit at alam Niya na ikaw lang ang may kakayahan na siya ay alalayan. Tatanggap ka ng regalo mula sa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-24-25-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagtatalo ang iyong isip kung sisimulan mo ang matagal mo nang balak na negosyo. Ang payo ay simulan mo ito nang sa gayun ay magsimula na rin ang iyong tuluy-tuloy na pag-unlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-28-30-31-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na madali at masaya mong magagawa ang mga bagay na hindi mo nagawa sa nakaraan. Ang langit ay aayon sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-26-34-35-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mo ang labis na tiwala sa iyong sarili. Mas maganda kung makikinig ka sa mga payo mula sa mga taong alam mong nagmamahal sa iyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-17-20-21-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na ang mga suwerte mo ay manggagaling sa mga tao na iyong inspirasyon. Sila ang mga nagpapalakas ng loob mo noon pa man. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-22-28-30-31-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang pagkakataon na makuha ang gustong-gusto mo. Lakas lang naman ang puhunan ng mga tulad mong mapag-alinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-26-28-38-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumitaw na naman ang malakas mong gayuma. Lihim kang mapapangiti dahil ang lumayo sa iyo ay magbabalik. Ito ay sa dahilan na malakas ang iyong gayuma. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-21-26-27-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alinlangan dahil ang pabor na hinihingi mo ay mapasasaiyo. Kaunting pangungulit lang naman ang kailangan mong magawa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-21-26-32-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page