top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 14, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 14, 2023 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte habang nasa iyo ang bilis— bilis sa kilos, pagsasalita, isip at bilis sa pagpapasya. Ito ang dapat mong tandaan ngayong araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magdadalawang-isip dahil ang pag-aalinlangan ay nagtataboy sa mga suwerteng papalapit sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran at gawin mong gabay sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang iyong negosyo dahil ito ang magpapaunlad sa buhay mo. Kung nagkataong wala kang negosyo, ang payo ay nagsasabing magkakaroon ka ng negosyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-25-27-36-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapatangay sa masasayang pangyayari sa buhay mo. Magsaya ka, pero ‘wag mong kalimutan na kailangan mo ring paghandaan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-29-30-32-37.

CANCER (June 21-July 22) - Mawawala ang pananamlay ng kapalaran mo kapag sinubukan mong makibahagi sa mga aktibidad na nagsasaya ang mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-20-25-34-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na dapat mong asikasuhin ang iyong sarili. Hindi maganda na patuloy kang nagsasakripisyo para sa iba. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-15-27-34-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Kahit ang matamis na pagmamahalan ay tumatabang din. Tanggapin mo ang katotohanang ito at magkakaroon ka ng kapayapaan ng isipan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-24-29-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalik ang umalis. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil muling babalik ang lumayo sa iyo. Hindi man agad-agad, tinitiyak ng kapalaran na siya ay babalik. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-16-26-27-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nalilito ka ngayon, pero sa huli, mananaig ang matagal mong nakasama. Ang bago ay maganda lang, pero hindi laging nagtatagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-27-30-32-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagsabay-sabayin ang mga proyekto. Una-una lang at ang nauna ay kailangang matapos agad. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-25-27-31-32-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas sa mga pagsubok na iyong nalagpasan. Kumuha ka rin ng lakas sa mga taong nagmamahal sa iyo. Tandaan, ang mga pagsubok ay may pakinabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-19-20-26-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang mga problema. Bagkus, harapin mo ito nang bukas ang iyong isip. Isip ang lumulutas sa mabigat na suliranin. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-24-25-34-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papalitan ng bagong pag-ibig ang papakupas na relasyon. Bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili na magkaroon ng bagong buhay at kapalaran. Ngayon ang panahon upang muling umibig. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-22-23-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page