top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 13, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 12, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 13, 2023 (Lunes): Madalas kang mapapalaban sa mga mapagmalaki at mapang-api ng kapwa. Bawat laban mo, makakaasa ka na ang langit ay kakampi sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Humugot ka ng lakas sa mga nagmamahal sa iyo dahil malaki ang tiwala nila sa iyo. Huwag mo silang biguin dahil alam nila na makakayanan mo ang anumang pagsubok. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-29-30-32-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na ang mga suwerte mo ay nagkukubli sa mga hindi magandang pangyayari. Kapag hindi ka nasiraan ng loob, dadapo sa iyo ang naggagandahang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-24-28-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang igiit pa ang gusto mo. Hindi ito ang tamang panahon para maging mapagpilit ka. Mas maganda na hayaan mo lang na tumakbo ang mga pangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-22-25-38-40.

CANCER (June 21-July 22) - Manindigan ka. Ngayon ang tamang pagkakataon para ipakita mong matatag ka at matibay ang iyong ginawang desisyon. Ito ang paalala ng iyong kapalaran at ito ay iyong pakinggan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-19-21-28-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit labag sa loob mo, tulungan mo ang gumawa sa iyo ng hindi maganda. Kapag nasunod mo ang banal na utos na mahalin ang kapwa, malaking biyaya ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-22-25-27-35-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibiguin ng langit kahit dumadaan ka ngayon sa mabibigat na suliranin. Nakamasid sa iyo ang nasa itaas at hindi ka kailanman pababayaan at iiwanan ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-24-27-34-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang malito at maniwala sa mga payo na para sa iyo ay parang kinukunsinti ka lang. Mas magandang pakinggan mo ang iyong sarili kaysa sa sinuman. Ito ang mensahe ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-27-31-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw para alisin ang iyong galit. Palitan mo ito ng pag-ibig at pagpapatawad sa mga taong may kasalanan sa iyo. Sa ganitong paraan, papasok sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-11-15-26-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nahirapan ang damdamin mo, huwag kang umangal o maghimutok. Tinuturuan ka lang naman ng langit na maging matatag at matibay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-24-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang dating ng mga suwerte mo ngayon dahil habang kumikilos ang mga karibal mo, ikaw ay lalong pinapalad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-23-27-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gampanan mo ang iyong obligasyon nang may puso, gayundin, maging seryoso ka at hindi ‘yung parang wala ka sa iyong sarili. Ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang lumalapit, siya mismo ang para sa iyo dahil siya ay nakatanggap ng lihim na utos na maging bahagi ng buhay mo sa mahabang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-18-23-27-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page