top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Pebrero 13, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 13, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 13, 2021 (Sabado): Huwag kang mapamahiin. Ang lahat ay nilikha ayon sa wangis ng Dakilang Manlilikha. Hindi ka malas at nilikha kang may magandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong maging sentimental. Ang nakaraan ay nakaraan na at ang mas maganda ay ang buhay na nakatingin sa hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-21-39-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kislap nang kislap ang ilaw sa parol. Ganundin ang iyong kapalaran, magpapakita ito ng mga suwerte at ang pagdating ng mga suwerte sa iyo ay parang hindi matapus-tapos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-29-31-36-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang hihinto hanggang maganda pa ang takbo ng pinagkakakitaan mo, dapat ay tuluy-tuloy ka lang. Hindi dapat sinasayang ang magagandang araw na nagdaratingan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-17-24-33-35.

CANCER (June 21-July 22) - Dagdag na kaalaman ang kailangan mo dahil habang lumalago ang negosyo, ang nararapat ay kumukuha rin ng mga bagong istilo at sistema nang sa gayun ay mas umunlad pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-17-29-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang ilagay sa isip, makaaapekto sa katawan at ang nakagugulat pa ay may epekto rin sa takbo ng kapalaran. Mabuhay ka nang may positibong pananaw at huwag negatibo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-21-25-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumagalaw ang kamay ng orasan at hindi papabalik. Bakit ka mabubuhay sa nakaraan? Ang bawat kilos mo ay dapat may kaugnayan sa iyong paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-38-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Alisin mo ang iyong hindi magandang kilos kapag hindi mo nagustuhan ang isang bagay. Mas maganda na ang mga bigay sa iyo, anuman ito ay tanggapin mo nang maluwag sa loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-27-35-43-46.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo kung kailan ang dating at lisan ng mga pangyayari sa iyong buhay. Ito ang susi sa tagumpay at ito rin ang panlaban sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-25-34-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamahinga kapag mahina ang benta. Hindi naman ibig sabihin ay hindi na lalakas muli ang negosyo. Simple itong nagsasabi na ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-22-25-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil akala ng marami, bagsak ka na at hindi na makakabangon pa, pero mahimalang sa huli ay makikitang angat na angat ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-40-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang kilos ng iyong kapalaran. Parang hindi ka makakahabol dahil iba ang iyong inaatupag. Tutukan mo ang iyong sariling buhay na nakatuon sa iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-20-27-35-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdagan mo pa ang iyong kilos nang sa gayun ay mas marami kang makuhang suwerte. Hindi sapat na ‘pag may nakuhang suwerte ang tao ay masaya na siya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-39-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page