top of page

Horoscope | Pebrero 12, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2026 (Huwebes): Maging mailap man sa’yo ang suwerte, nakatakda pa rin sa iyo ang pag-upo sa mataas na posisyon sa lipunan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang iyong mga nasimulan. Kung ika’y magdadalawang-isip at kukupad-kupad, ito’y magiging sanhi ng iyong pagbagsak. Masuwerteng kulay-peach.Tips sa lotto-3-12-29-34-39-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang iyong pagsubok at ‘wag mo itong tatalikuran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-23-37-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Isa-isahin mo nang tapusin ang dapat tapusin. Hindi makabubuti sa’yo kung pagsasabay-sabayin mo ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-8-19-25-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Paniwalaan mo lang ang sarili mo. Sabihin mo na lang ang katuwiran mo at gawin mo kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-20-22-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang sa mga planong gusto mong gawin. Hindi magandang may matapakan kang ibang tao, dahil maaaring mawala ang respeto nila sa’yo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-28-31-36-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumubuhos ang malakas na ulan kapag maalinsangan. Ang kailangan mo ngayon ay tanggapin ang iyong pagkakamali, kasabay nito, patawarin mo rin ang mga taong may atraso sa’yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-21-27-32-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ituring mong kaibigan ang mga taong nakapaligid sa’yo. Sa ganitong paraan, sila rin ang makakatulong sa’yo sa mga panahong kakailanganin mo ng karamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-23-33-39-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bitawan mo ang mga dapat bitawan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-18-24-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - ‘Wag kang manatili sa iyong nakasanayan, bagkus tularan mo ang halaman na nagpapalit ng mga lumang dahon sa mga panahong kinakailangan. Sa ganitong paraan, ang iyong mga problema ay mapapalitan na ng saya at galak, tulad ng dahong sagana sa bulaklak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-26-29-31-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka sa taong marunong, dahil lahat ng iyong matututunan ay magsisilbing haligi ng iyong negosyo at pagkakakitaan sa hinaharap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-22-25-34-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tandaan, ang lahat ng iyong ginagawa ay may kapalit. Tanggapin mo ang katotohanan na rito sa mundo, may mga problemang kalakip ng tagumpay. Gayunman, ‘wag kang mag-alala dahil ang nagdaang problema ay kusa ring aalis. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-17-23-36-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang mga nagmamataas ay ibinababa. Mag-ingat ka, dahil ngayon ay marami ng isip-talangka ang pumapaligid at gustong magpabagsak sa’yo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-27-30-35-45.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page