Horoscope | Pebrero 12, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2023 (Linggo): Taglay mo ang kakayahang pamunuan ang maraming tao. Hindi lahat ay may ganitong kakayahan, kaya magpasalamat ka sa Dakilang Manlilikha.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwede kang magyabang dahil sa galing at husay mong tinataglay na malayo sa ibang tao. Pero muli kang pinaaalalahanan na lalo kang bubuwenasin kapag ikaw ay mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-27-29-30-33-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gandahan mo ang pakikitungo sa mga taong angat sa buhay. Hindi nila mamamalayang malilipat sa iyo ang ilang suwerte nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-15-24-26-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Bibiruin ka ng kapalaran dahil ikaw ay mapagbiro. Aakalain mong ikaw ay bigo at sa ganu’ng sandali, magugulat ka dahil binibiro ka lang ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-24-28-30.
CANCER (June 21-July 22) - Tatanggap ka ngayon ng pabor sa nakakataas sa iyo. Ito ba ay may kapalit? Ang sagot ay oo, at bago tumaas ang kilay mo, pagbutihin mo ang trabaho bilang iyong pasasalamat. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-21-23-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Masuwerte ka ngayon at sa darating pang mga araw. Sobra sa mga kailangan mo ang mapasasaiyo, ibahagi mo sa malalapit sa puso mo ang ibang biyaya na mahahawakan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-22-26-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dahil sa talino mo, aangat ang isang papayuhan mo. Dahil hindi ka niya kalilimutan, isasama ka niya sa kanyang pag-angat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-16-27-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na magtutuloy-tuloy ang suwerte mo, gayundin ang pagganda ng iyong kapalaran. Palagi kang magpasalamat sa langit sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapos-palad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-15-19-24-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangang magalit dahil makukuha mo ang gusto mo sa mahinahong paraan. Ang totoo, nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil halata na galit ka kahit banayad ang salita mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-25-28-30-31-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyong-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo, kaya huwag mo nang lagyan pa ng kung ano-anong dekorasyon ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-24-25-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maging mapagpilit dahil ayon sa kapalaran, kahit hindi mo ipilit ang mga gusto mo ay kusa itong mapasasaiyo. Ito ang masuwerteng balita ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-23-35-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang nagtampo, pero kunwari lang at napasakanya pa rin ang gusto niya? Sino pa nga ba kundi ikaw. Sa totoo lang, madalas kang nagkukunwaring nagtatampo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-21-27-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Walang iba kundi ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka, gayundin, ang mga naiinggit sa iyo ay sabay-sabay na mamalasin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-26-31-32-38.




Comments