top of page

Horoscope | Pebrero 11, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2026 (Miyerkules): Lahat ng gusto mo ay masusunod, tanggihan ka man ng iba, wala pa rin silang magagawa. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay susi sa iyong suwerte, lalo na ngayong kakambal mo na ang pagwawagi at karangalan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-18-20-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong sabayan ang galit ng ibang tao. Ang pagiging mapagkumbaba ay magiging lakas mo para maibaba ang mga taong may hindi magandang balak sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-23-29-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpursigi ka at huwag kang makokontento sa mga bagay na meron ka. Magugulat at mamamangha ka, dahil lalapit na sa iyo ang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-24-30-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Ang pagiging negatibo ay sanhi ng iyong pagbagsak. Madalas ang tao ay dinadaya ang kanyang sariling paniniwala, kaya kadalasan ang kanyang nasa isip ay madalas kabaliktaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-21-32-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Humahanga sa iyo ang langit dahil sa kabaitang ipinapakita mo sa taong may galit sayo. Dahil dito, bibiyayaan ka ng nasa Itaas at patuloy ang pagdating ng suwerte sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-19-27-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang araw na ito ay ginawa para sa iyo. Anuman ang isipin at hilingin mo sa langit, tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-green.  Tips sa lotto-9-14-20-28-33-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Minsan, ang langit ay hindi pabor sa buhay mo. Matagal nang nakatakda ang mangyayari, sa ayaw at sa gusto mo, mangyayari pa rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-24-26-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang maliliit na problema ay may kapalit na kaligayahan. Kaya ‘wag mong kalimutang magpasalamat sa Itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-22-31-38-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tuluy-tuloy ang agos ng suwerte sa buhay mo. Gayunpaman, ang pagiging makasarili ay magdadala sa iyo sa kapahamakan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-29-35-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lahat ng mga paghihirap na iyong dinaranas ay may kapalit ding biyaya. Habang namomroblema ka, mas madaming suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-25-32-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang suwerte mo ay matagal nang itinakda. Sa kabila nito, hindi mawawala ang mga taong gusto kang mapahamak at mabigo sa buhay, pero ‘wag kang mag-alala, dahil sa kanila iyon mangyayari. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-20-28-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli kang bibiruin ng tadhana. Aakalahin mong minamalas ka, pero ang bawat malas na ito ay may kaakibat na suwerte para sa iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-28-33-39-42.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page