Horoscope | Pebrero 11, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 11, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2023 (Sabado): Malakas ang karisma mo kaysa sa mga pangkaraniwan. Puwede mo itong gamitin sa pagpapayaman at iwasan mong magamit sa maling pakikipagrelasyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Matindi ang hangarin mong umasenso. Gayunman, dapat mo pa ring ingatan ang sabay-sabay na pagpasok ng mga oportunidad na nasa iyong harapan ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-14-20-22-23.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magparaya ka ngayon. Huwag mong ipilit ang gusto mo at matutuklasan mo na ang mapagparaya ay mas pinapaboran ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-19-21-25-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipagpalagay na alam na alam mo ang papasukin mong negosyo. Ang payo ay magtanong-tanong ka sa mga nauna nang sumubok sa iyo para hindi ka malugi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-29-30-32-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Naiiyak ang damdamin dahil ang isip ay pilit na nangangatwiran na labag sa sinasabi ng puso. Ang kaligayahan ay nagmumula sa malayang damdamin at hindi sa dikta ng isipan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-25-28-31-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Babanggain ka ngayon ng akala mo ay mas malakas sa iyo. Huli na bago niya mamalayan na kahit ano’ng gawin niyang pagbangga sa iyo ay walang magandang resulta para sa kanya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-22-27-28-38-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iiral ngayon ang kawagasan at kadalisayan ng iyong pagkatao, kaya pipiliin mo kung ano ang pinakatama kahit may ilang masasaktan ang damdamin dahil sa iyong desisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang pagbabago sa mga pangyayari. Ang hindi mo inaasahan ay magaganap. Gayunman, ang mga ito ay makakabuti para sa kinabukasan mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-21-29-30-32-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makikialam ngayon ang langit dahil nagmamatigas ang isip mo sa akala mo ay tama, pero ang totoo ay mali. Kung hindi ka magbabago ng aksyon, may babala na muli kang mapaaway at mapahamak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-20-23-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gumaganda ang pakiramdam mo na paunang senyales na papaganda na rin ang kapalaran mo, kung saan ang mga nagpahirap sa iyong problema ay mareresolba. Ang kapalit naman nito ay puro magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-19-24-27-34-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi agad na naghihilom ang mga sugat, lalo na ang sugat sa puso. Pero sa paglakad ng mga araw, maaayos ang lahat ng sakit na nararanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-26-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga pangyayari, ikaw mismo ay magugulat at hindi makakapaniwala dahil ang mga nagaganap ay hindi mo kontrolado, pero ito ay para sa kabutihan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-14-15-29-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga nagaganap sa buhay mo. Ang lahat ng ito ay kailangang mangyari nang mabigyang-daan ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-15




Comments