top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 10, 2023 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 10, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 10, 2023 (Biyernes): Tulad ng Haring Araw, ikaw ay panggagalingan ng sigla, lakas, init at saya ng mga taong madidikit sa iyo. May isa pa silang makukuha at ito ay ang mga suwerteng likas na nasa kapalaran mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mawawala ang dilim sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Dahil dito, ngayon ang tamang pagkakataon para gawin mo nang mabilis ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-21-28-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapatuloy ang magandang ikot ng iyong kapalaran. Dapat mong malaman na kaya inaakala mong hindi ito maganda ay dahil natatangay ka ng inis sa mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-24-27-36-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pilitin na masolusyuan ang mabibigat na suliranin na noon pa nakadikit sa iyong buhay. Sapagkat noon pa man, ang mga hindi mo kaya ay kinakaya ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-23-25-30-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Tulad ng munting sanggol, ang maliliit na suwerteng nasa iyo na ay lalaki nang lalaki hanggang sa masabi mong hindi ka naman pala iniwan ng nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-26-32-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magniningning tulad ng papagandang bituin ang iyong personalidad kahit saan ka pa makarating. Marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-18-28-30-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babawan mo ang iyong pag-iisip. Alalahanin mo na ang mga isda ay wala sa malalim kundi nasa mababaw lang. Bulay-bulayin mo ang mga salitang ito at makakaasa ka na madali mong makukuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-27-28-38-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa iyong mga mata at huwag ka ring makinig sa iyong naririnig. Magpasya ka ayon sa nadarama ng iyong puso dahil sa ganyang paraan, mas magtatagumpay at magiging maligaya ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-20-34-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinahihirapan mo lang ang iyong sarili. Kahit ang isip mo ay magulo, sakyan mo lang ang dikta ng kapalaran mo. Sa ganitong paraan, liligaya at mapapanatag ang loob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-18-21-28-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaakit sa iyo, maging ang mga suwerteng nasa paligid. Ito ay dahil sa porma mo pa lang ay kapansin-pansin na ang mataas at nakakahanga mong personalidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-18-32-38-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ramdam mo na susuwertehin ka. Tama ang iyong pakiramdam dahil nagpasya na ang langit na hulugan ka ng mga biyaya kahit dumami nang dumami ang mga naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-26-35-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo obligasyon na bigyang-katwiran ang iyong mga ikinikilos. Ang mga ganitong tao ay dapat mong dedmahin dahil nakakaabala sila sa mga suwerte na parating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-19-23-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, nagmamadaling dumapo sa iyo ang malalaking suwerte. Mag-ingat ka dahil ang taong binubuwenas ay pinagpaplanuhan ng mga kaaway na nasa lihim. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page