top of page

Horoscope | Pebrero 1, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 1, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2026 (Linggo): Mas marami kang dapat ipagpasalamat ngayon, dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga suwerte mo, gayundin ang pagdating ng mga magagandang kapalaran at oportunidad para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa kapalaran mo ang masasayang pangyayari na puwede mong sakyan upang muli kang makapagsimula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-20-34-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang magagandang bagay ay magdaratingan na sa iyo. Bilang paghahanda, makabubuti para sa iyo na mabuhay ka nang positibo at nakatanaw sa mga magagandang pangyayari sa buhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-8-12-23-31-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo at huwag kang bagal-bagal ngayon. Tapos na ang panahon para sa pagpaplano, kaya kumilos ka na! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-22-30-33-44.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakasilaw ang nabubuhay sa saya. Kadalasan, nakakalimutan nila ang mahahalagang bagay tulad ng paghahanda para sa magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-baby pink. Tips sa lotto-3-19-25-28-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muling aayon sa iyo ang langit. Ngayon na ang hinihintay mong pagkakataon para mas mapaganda pa ang buhay mo. Kaya huwag mo nang sayangin ito. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-11-14-21-36-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit kailan, ang tama ay tama at ang mali ay mali. Kahit pa paikut-ikutin mo ang iyong katuwiran, mananatili pa ring mali ang mali. Gayunman, tama ka ngayon pero mas okey kung ‘di ka na makikipagtalo pa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-10-26-29-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang masaya, sa kanya ka sumama. Kung tutuusin, bakit ka nga ba didikit sa nananamlay? Hindi lang sakit ang nakakahawa, dahil maging ang kalungkutan, katamaran, at kamalasan ay nakakahawa rin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-14-23-27-32-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang mga magtatangkang pabagsakin ka, dahil langit mismo ang magbibigay sa kanila ng masaklap at nakahihiyang kabiguan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-12-18-24-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang ibigay mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-19-26-31-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umaasenso ang tao kapag hindi siya nagsasawang magsumikap. Kaya ikonsidera mo ang muling pagbubukas ng negosyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-25-30-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahiwaga ang buhay sa mundo. Makikita mo na ang lahat ay may inaalayan o pinaglalaanan ng kanilang tagumpay. Hindi puwedeng nag-iisa ka lang habambuhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-21-34-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag masaya ka, sasaya rin ang iyong kapaligiran. Kaya inuutusan ka ng langit na magsaya ka. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-13-22-29-34-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page