Horoscope | Oktubre 7, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 7, 2026 (Miyerkules): Malalaking suwerte ang makukuha mo sa malayo, at may mga suwerte ka ring makukuha sa malapit. Ngunit kailangan mo munang lumayo upang ang mga nasa malalapit ay mapasaiyo na agad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon. Nagpasya na ang langit na sa mga araw na ito ay bibigyan ka ng mayamang imahinasyon. Kaya huwag mo itong sayangin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-13-20-24-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang pagkakataong umunlad ang buhay mo sa pamamagitan ng pangingibang-bansa. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-4-11-18-23-27-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsisimula nang bumuhos ang mga suwerte sa buhay mo dahil nagsisimula na ring umulan ng mga bulalakaw sa kalangitan. Gayunman, huwag mong kalimutang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-21-25-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Itinakda na sa mga araw na ito na kung sino ang masaya, sila ang makakatanggap ng maraming biyaya mula sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-20-28-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipinapayo ng iyong kapalaran na huwag mong sayangin ang mga oras at araw mo sa mga taong hindi makaintindi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-22-31-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakakita ang naghahanap, pero ang ayaw maghanap ay wala nang pag-asang makakita. Hanapin mo ang mga taong nakakatulong sa iyo at lumayo ka naman sa mga taong sinisira lang ang araw mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-18-24-27-30-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapabilang ka sa mga taong uulanin ng suwerte. Kaya lang, maaari itong masayang kung wala naman sa direksyon ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-19-23-33-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong uminit ang iyong ulo. Nagsasara ang pintuan ng matuwid na katuwiran kapag ang tao ay pinagharian ng galit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-21-34-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit madalas mong nakakalimutang magpasalamat sa langit, patuloy pa rin nitong pauunlarin ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-20-28-32-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inaayos na ng langit ang pundasyon ng masaganang buhay mo at ito ay nangyayari kahit minsan ay naiisip mong bingi ang langit sa iyong mga kahilingan sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-22-26-32-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli kang mananagana. Ito ang utos ng langit sa araw na ito na hindi na mababago. Kaya ito rin ang araw na dapat kang kumilos, dahil sa bawat pagkilos na iyong gagawin, saganang suwerte ang idudulot nito sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-25-30-33-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang araw kung saan pakikinggan ng langit ang iyong kahilingan, kaya hilingin mo na ngayon ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-14-19-27-34.



Comments