Horoscope | Oktubre 9, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 4 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 9, 2025

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 9, 2025 (Huwebes): Kakaibang lakas ang dadapo sa iyo. Kaya ang malalaking ambisyon mo sa buhay ay mapapasaiyo na ngayon. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Iyung-iyo ang araw na ito. Anuman ang naisin mo ay aayunan ng iyong kapalaran. Magkagayunpaman, mas maganda pa rin kung madami kang kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Biglang lalakas ang loob mo. Kapag naramdaman mong nangyayari na, gawin mo na ang mga unang hakbang para sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-16-23-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) – Nagbababala ang araw na ito na sobrang bilis ng pagkilos mo. Kapag sobrang bilis, posibleng hindi gumana ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-18-21-26-36.
CANCER (June 21-July 22) – Muling mangyayari sa buhay mo na kung sino pa ang nagpapakita sa iyo ng kakaibang galit, siya pa palang tunay na nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-25-29-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) – Pabor sa iyo ang araw na ito. Ngunit para sa mga kontrabida sa buhay, masikip ang mundo nila. Ngayon mo sila puwedeng maiwanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-19-20-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Mabilis na iinit ang ulo mo sa walang kuwentang bagay. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-15-27-30-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Sarili mo mismo ang kalaban mo ngayon. Mahihirapan ka, pero kapag binigyan mo ng saya ang iyong sarili, magiging okey rin ang lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-10-15-18-28-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ito ang tanging araw na inilaan sa iyo. Kung hindi ka nanaig dati at maraming kumontra sa iyo, ito na ang panahon upang ituloy mo ang iyong mga balak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-16-26-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Makakaramdam ka ng lungkot pero panandalian lang ito, dahil matatabunan din ito ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-17-25-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Wala nang basehan ang iyong kaduwagan. Naalala mo ba na minsa’y natakot ka, pero nang kumilos ka, ang mga takot mo ay bigla na lamang nawala na parang bula? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-20-31-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Nakakatawa ang nangyayari sa iyo sa ngayon. Hindi ka mawawala sa isip ng taong galit na galit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-28-30-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nakakaapekto sa trabaho ang sobrang pagmamahal. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-25-27-39-41.
Comments