Horoscope | Oktubre 6, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 6, 2026 (Martes): Pagmasdan mo ang lahat ng bagay nang may pagmamahal, dahil ito mismo ang sikreto ng iyong magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdagan mo pa ang iyong pinagkakakitaan, dahil bagay na bagay sa iyo ang maraming pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-20-27-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gandahan mo pa lalo ang iyong ginagawa. Dahil habang pinapaganda mo ang iyong ginagawa, lalong bubuti ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-24-30-32-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang subukang itama ang taong walang pag-asang ayusin ang kanyang buhay. Magagalit lang siya sa iyo, at sa huli ay magbabalak ng masama laban sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-26-31-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Walang mawawala sa iyo, sa halip ay may madadagdag pa kung makikipagsapalaran ka. Lakas lang naman ng loob ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-18-22-29-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mahirap hanapin ang mga suwerte dahil nasa paligid mo lang ang mga ito. Tulad ng mga bulaklak sa gilid ng daan, anumang oras ay puwede mo nang pitasin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-20-25-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo ang tiwala ng isang taong puwede mong mapakinabangan. Madali lang naman ito, dahil kailangan mo lang magsabi ng katotohanan sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-11-15-24-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang nararapat, iyon ang gawin mo. Huwag ka nang maghanap pa ng katuwiran para gawin ang hindi naman talaga dapat gawin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-13-21-28-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka mananahimik sa harap ng isang masyadong agresibo? Sabihin mo kung ano siya nang sa gayun ay malaman niya ang kanyang mga kalabisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-19-27-30-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Layuan mo ang mga wala namang naitutulong sa iyo, at itodo mo ang pakikisama sa mga puwede mong asahan sa panahon ng iyong pangangailangan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-20-24-36-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sabihin mo kung ano ang paniniwala mo, dahil isang pandaraya sa sarili ang pagtatago ng iyong pinaniniwalaan. Maging tapat ka sa lahat at mas lalo na sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-21-25-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumalma ka lang kahit makarinig ka ng nakakabuwisit na kuwento. Mas hinahangaan at pinapaboran ang taong kalmado sa sandali ng hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-22-26-30-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Wala kang dapat ipag-alala kahit pa hindi mo magawa ang hindi mo pa alam. Dahil langit mismo ang nag-uutos sa iyo na gawin ito kahit kapos ang iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-25-28-31-34.



Comments