top of page
SHEET Lisensiya, suspendido, nag-chopper pa-LTO… LACANILAO KAY GEO ONG- MAGING GOOD EXAMPL

Horoscope | Nobyembre 24, 2026 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
19 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 24, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2026 (Martes): Kung saan nakapuwesto ang puno, roon din ito mabubuwal. Ito ang isa sa mga “batas ng kapalaran” na dapat mong tandaan. Tulad mo, mahilig ka sa magagandang bagay, kaya maganda rin ang iyong makukuha.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga alam mong magiging sagabal sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Mas mabuting ipagpatuloy mo lamang ang kasalukuyan mong pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-11-18-20-33-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo ang paborito mong damit at makakaasa kang magiging maganda rin ang takbo ng iyong kapalaran dahil ang pagsusuot nito ay magbibigay sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-22-25-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Maghanda ka para sa kinabukasan. Ito ang utos ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-19-24-27-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kumilos at maging abala ka ngayon upang umasenso ka agad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-26-30-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag mas masaya ka, mas gaganda ka! Salubungin mo ang araw na ito nang may saya upang dumagsa sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-7-10-16-28-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masasayang ang pagsusumikap mo ngayon, lalo na’t magkakatotoo sa buhay mo ang kasabihang, “Kapag may itinanim, may aanihin.” Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-4-15-17-20-35-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ituloy ang pagdi-diet dahil ang ganitong payo ay maaaring nagmumula lamang sa mga naghahangad na kumita ang kanilang negosyo. Mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-25-32-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag maganda ang takbo ng relasyon mo, maganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Kaya iwasan mo anumang hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-22-27-29-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naaawat ang mga bulalakaw kahit pa napakakapal ng mga ulap. Hindi rin mapipigilan ang pagdating ng iyong mga suwerte kahit nag-aalinlangan at nagdududa ka. Masuwerteng kulay-metallic blue. Tips sa lotto-3-8-19-22-31-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangan mong maging matatag at matibay upang hindi mawalan ng saysay ang malalaking suwerteng inilaan sa iyo ng langit. Kapag nanghina ka, malamang na mapunta lamang sa iba ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-2-11-16-21-32-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali lamang makikilala ang taong nagpapanggap na kaibigan. Magkunwari kang gipit at lumapit ka sa kanya upang malaman kung tunay nga siyang kaibigan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-14-23-30-36-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma ka lang sa harap ng mahigpit mong kalaban. Kapag kalmado ka, gagaan ang iyong isip at ikaw ang mananalo. Muli, kalma lang! Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-10-15-18-26-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page