top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg

Horoscope | Nobyembre 25, 2026 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 25, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 25, 2026 (Miyerkules): Nakatakda kang makarating sa malalayong lupain, at ito rin ang paraan upang gumanda ang iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang bibigyan ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa pag-iisip kung paano ka mas aasenso. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-3-19-20-35-37-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang pagkakataon mo para lumabas sa iyong lungga. Simulan mo nang tahakin ang landas patungo sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-21-25-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang takbo ng buhay mo ngayon. Kung anu-ano ang iyong ginagawa at kung saan-saan ka nakakarating. Kaya lang, sa bandang huli, magtataka ka rin dahil mapapansin mong hindi ka naman pala umaabante. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-23-27-30-43.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang itutulak ng iyong mga pangarap. Oo, ikaw ay itutulak dahil, aminin mo man o hindi, madalas kang tinatalo ng pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-16-29-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad. Sa katunayan, ang masama ay ang walang pangarap at walang hinahangad. Dito sa mundo, ang walang kabuhayan ay malalagay sa mababang posisyon at kahiya-hiyang kalagayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-18-22-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mayaman ka sa magagandang ideya, pero kapos ka sa pagkilos. Ngayong alam mo na ang iyong kakulangan, ano pang hinihintay mo? Kilos na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-20-28-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili. Itago mo muna ang iyong mga kapintasan at huwag mong hayaang lumitaw ang pangit mong pagkatao. Ito ay upang hindi masayang ang mga suwerteng dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-21-24-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang taong nagdudulot ng galit. Sira ang kanyang kapalaran kaya siya ay mapangwasak. Muli, huwag mong pansinin ang taong gumagawa ng gulo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-23-33-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malayo ang iyong mararating. Malalamangan mo ang iyong mga kasabayan at milya-milya rin ang magiging agwat mo sa iyong mga karibal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-13-22-28-32-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalakas ang loob mo at susuungin mo ang mga panganib na nakaharang sa landas ng iyong buhay patungo sa tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-19-27-38-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paikut-ikot at galaw ka lang nang galaw, pero hindi naman nagbabago ang iyong kalagayan. Upang malabanan ito, magtakda ka ng malinaw at tiyak na mga layunin sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-12-25-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagkakataon mo na ngayon para ipamalas sa mundo ang iyong galing, husay at talino. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-17-19-26-31-35.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page