top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 7, 2021 (Huwebes)

BULGAR
Oct 7, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 07, 2021


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 7, 2021 (Huwebes): Malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magtatagumpay ka sa iyong mga ambisyon at ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sasaya ka kapag may natulungan ka. Susuwertehin ka rin dahil ang langit ay natutuwa at humahanga sa mga tumutulong sa kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahon ang sagot sa hindi makaintindi. Ipinapayo rin na huwag mo nang ipagpilitan ang iyong katwiran nang hindi lumala ang sitwasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Isingit mo ang paglilinis at pag-aayos sa inyong bahay. Dahil ngayon, ang mga bubuwenasin ay ang may malinis at maayos na tirahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-28-30-42.


CANCER (June 21-July 22) - Planuhin mo ang iyong gagawing pagpunta sa malayo nang sa gayun ay mas maging masaya ka. Kapag hindi mo ito pinlano, mababawasan ang panahon ng iyong pamamasyal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-24-37-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Mas pinagpapala ng langit ang mga marunong magpahalaga sa mga biyayang nasa kanya na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-27-35-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapaimpluwensiya sa kahit na sino. Sapat ang likas mong talino para makapagpasya ka at ito ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Muli, huwag kang magpapaimpluwensiya sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-20-23-32-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang matakot kung babaguhin mo ang iyong pananaw, kung saan ang dati at makalumang pinaniniwalaan mo ay hindi mo na isasabuhay. Ito ay magbibigay sa iyo ng mas magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-15-26-30-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kontrolin mo ang bilis ng iyong mga kilos. Kapag sobrang mabilis, maraming suwerte ang hindi makakadapo sa iyo at mawawala bigla. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-22-26-28-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iwasan mong gumamit ng mga salitang pangit at negatibo. Dahil ang mga suwerte ay kumakapit lang sa magagandang magsalita at mga taong positibo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-18-28-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat labis na mag-alala sa biglaang pagbabago sa iyong pamilya. Ang mga pagbabago, minsan ay mahirap matanggap. Pero ang totoo, ang mga pagbabagong ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-14-21-29-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pag-aralan mo munang mabuti ang paanyaya na sumali sa isang samahan. Hindi dahil masaya at may magaganda kang pakinabang, maaaring ikaw pa ang mahirapan. Sumali ka sa isang samahan kung magkakapera ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-21-23-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang makatutulong sa iyo, siya ang piliin mo. Ito ang susi para umunlad ang buhay mo. Kayang mabuhay ng tao sa kanyang sarili, pero maaaring hindi siya umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-19-21-25-27-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page