Horoscope | Nobyembre 23, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 23, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2026 (Lunes): Lagyan mo ng saya ang iyong buhay at gawin mo ito palagi. Ang pagiging masaya ang susi upang mapasaiyo ang magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga pagkakataong ibinibigay sa iyo upang mabilis na mapaunlad ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-24-30-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ngayon ng mga taong nasa paligid mo, at ngayon na rin matutupad ang mga kahilingan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-27-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pagkaitan ang iyong sarili ng mga personal na gamit na nais mong idagdag. Dahil ang paggawa nito ay pagdadamot sa sarili at pagbabawas ng saya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-15-19-25-34.
CANCER (June 21-July 22) - Makakakuha ka ng suwerte sa mga taong madalas mong makasama. Kaya dumikit ka sa mga kilala mong nagtatagumpay upang mapabilang ka sa kanilang hanay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-20-23-31-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bukod sa materyal na bagay na iyong ipagkakaloob bilang tulong, samahan mo rin ito ng payo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-16-26-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang lumilipas ang mga araw, paganda nang paganda ang iyong kapalaran. Gayunman, huwag mong takasan ang mga pagsubok. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-14-28-30-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng nag-iisa ka, at hindi rin puwedeng kakaunti lamang ang iyong mga kaibigan. Ito ang bilin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-27-32-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakapag-isip nang mabuti ang isang tao kapag nananahimik. Kaya, manahimik ka muna. Sa iyong pananahimik, magplano ka ng iyong gagawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-12-15-25-36-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ang dating ng magandang kasuotan at magandang kilos. Isabuhay mo ang dalawang ito upang mabilis kang suwertehin at umasenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-22-26-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nahihirapan ka, ngumiti ka pa rin. Ito ang payo sa iyo ngayong nalalapit na Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-27-29-33-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Piliin mo lamang ang iyong mga pakikisamahan upang hindi ka magsisi. Marami ang magtatangkang lumapit sa iyo na may lihim na motibong makinabang mula sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-25-34-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na magbabago na ang iyong kapalaran. Kung dati ay mabagal at tila hindi natutupad ang mga pangarap mo, ngayon ay isa-isa na itong ipagkakaloob sa iyo. Patuloy ka lamang na magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap upang patuloy na bumuhos sa iyong harapan ang grasya at biyaya mula sa Itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-20-22-37-45.



Comments