Horoscope | Oktubre 6, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 6, 2021 (Miyerkules): Kung ano ang maganda, ‘yun mismo ang ipagkakaloob sa iyo ng kapalaran. Ito ay kahit may ilang pangyayaring hindi mo maunawaan sa buhay mo ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka sasaya, roon ka. Huwag mong ipagpalit sa meteryal na bagay ang iyong personal na kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran, kaya ito ay iyong pakinggan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-24-31-35-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat mabuhay sa pagpapantasya. Kailangan ng tao ang kumilos ayon sa gusto niyang mangyari sa buhay niya. Gawin mong gabay sa buhay ang mga salitang ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-21-25-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong mabihag ka ng tukso. Huwag mong kalilimutan nang hindi ka magsisi sa huli kung saan ang tukso ay nakasisira ng kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-15-23-33-35.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag nagdududa ka sa isang tao, agad mo siyang layuan. Huwag mong ipangahas na kaya mong labanan ang may mga hindi magandang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-15-23-30-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong maliitin ang munting suwerteng darating sa buhay mo dahil magsisilbing binhi ang mga ito na matutulad sa isang malaking puno na ang mga bunga ay walang kasing tamis. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-24-31-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabanta ang mga negatibong pananaw na makialam sa iyong buhay. Ngayong alam mo na, ano ang dapat mong gawin? Ano pa nga ba kundi linisin mo ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-20-23-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Matatala sa aklat ng iyong kapalaran na ang mga pangyayari ngayon ay magsisilbing pundasyon ng iyong pagkaganda-gandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-28-29-33-37-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong isipin na ang mga pagsubok ay hindi mo kakayanin. Mas magandang ilagay mo sa iyong isip na ang mga pagsubok ay tulad ng panakot sa mga ibon na hindi naman totoo. Sa halip ay panggulo lang sa paparating mong mas malaking panalo at tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-22-25-26-35-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Huwag mong isipin na ito ay isang negatibong katotohanan, ito ay nagpapayo na huwag mong sayangin ang masasayang araw sa mga walang kuwentang tao na umiintriga at naninira sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-37-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangang matapos mo na ang pangyayari nang sa gayun ay magsimula ang bagong kabanata. Tanggapin mo na ang tapos na ay tapos na nang sa gayun ay magbago na ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-14-23-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na mawawala sa buhay mo ang mga hindi mo na kailangan at ang mga makagugulo lang sa iyo. Kahit masakit ang kalooban mo, tanggapin mo ang katotohanang ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Inihahanda na ng langit ang mga bagay na lubos na magpapasaya sa iyong buhay. Ito ay kahit pa gulong-gulo ang isip mo at litong-lito ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-21-24-32-38.




Comments