top of page

Horoscope | Oktubre 4, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 4, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 4, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2025 (Sabado): Bilangin mo ang magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Makikita mo, sobra pa sa inaasahan mo ang iyong makukuha. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida sa buhay mo. Inihanda naman na ng langit ang mga pangyayari para tuluy-tuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-23-28-30-34-38.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Masisingit ngayon ang gusto mo sa pamamagitan ng pagkukunwaring inaayunan mo ang taong sobrang makulit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-15-21-25-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mag-isip ka ng gusto mong mangyari at ikilos mo agad ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-22-31-39-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging emosyonal, dahil hindi nakikita ng mga taong emosyonal ang mga oportunidad na nasa kanilang harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-26-30-32-35.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalong pinanggigigilan ang mga taong walang kibo. Ito ang gawin mo, huwag kang kumibo at manahimik ka lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-10-18-23-36-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Panoorin mo ang dalawang taong hindi magkaintindihan at huwag mo silang lalayuan. Magugulat ka, dahil ang mga suwerte na nasa kanila ay mapapasaiyo rin. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-7-11-23-34-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makipaglaban sa malalakas, bagkus tingnan at pakitaan mo lang sila ng kabutihan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-24-31-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang aktibidad mo ngayon. Samantalahin mo ito para pag-aralan ang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-17-24-37-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka hindi mahihirapan, du’n ka! Iwasan mo rin ang mga taong napakahirap kausap, dahil wala ka rin namang mapapala sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-22-25-34-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghanap ka ng paraan upang magawa mo ang gusto mo. Gayunpaman, ‘wag kang kabahan dahil nakabukas na ang mga pintuan ng tagumpay para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-19-28-33-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadalawin ka ng mga suwerte na kapag sininop mo ay malalaki at magagandang kapalaran ang magiging katumbas nito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-13-26-30-32-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo ang iyong kalusugan at ang iyong sarili. Sapagkat isinusulat na ngayon ang positibong plano para sa iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-20-24-27-43.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page