Horoscope | Oktubre 31, 2025 (Biyernes)
- BULGAR 
- 6 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 31, 2025

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2025 (Biyernes): Makipaglaban ka sa mga hamon ng iyong kapalaran. May mensahe ang langit, at ito ay nagsasabing, “Mananalo ka, at ito ay tiyak na mangyayari!”
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat huminto sa iyong pangarap dahil lang sa mga pagsubok na iyong kinakaharap. Alalahanin mong malakas ka at hindi ka mahina! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-21-24-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang umatras. Ang pag-atras ay kailangan upang makapag-isip ng mga bagong diskarte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-15-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang sinisikap mong matupad ang mga pangarap mo, may mga handang umalalay sa iyo, lalo na sa panahong ngayon na parang hindi madali sa iyo ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-25-34-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Paghiwalayin mo ang iyong emosyon at pangarap, dahil kadalasan ang emosyon ay sagabal sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-22-23-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dapat kalmado ka lang sa harap ng mga kontrabida. Sa huli, makikita mong sa pagiging kalmado, ang mga pangyayari ay maayos na tumatakbo at ang lahat ng pangyayari ay unti-unting papabor uli sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-7-27-33-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakatutuwa ang buhay sa mundo, lalo na sa larangan ng pagmamahalan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-19-28-32-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi hadlang ang makakapal na ulap para ang mga bituin ay tuluyang mawala. Sa buhay mo ay ganundin, kahit pa maraming problema, tuluy-tuloy pa rin ang dating ng magagandang oportunidad at kakaibang suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-27-31-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pakialaman ang problema ng iba. Mas maganda kung aasikasuhin mo ang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-10-22-25-28-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan kusang naaayos ang mga gusot kahit wala kang gawin. Dahil sa totoo lang, wala namang tao ang gusto ng magulong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-21-24-29-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo nang mukhaan ang iyong mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-17-19-26-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mabibigatan ngayon. Ito ang magandang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-11-18-20-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Higit kailanman, ngayon mo na kailangan ang maging masinop. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-12-15-27-37-44.





Comments