top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Oktubre 31, 2022 (Lunes)

BULGAR
Oct 31, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 31, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2022 (Lunes): Dahil sa iyo, marami ang magsisiyaman. Ito ay dahil sa kakaibang kapalaran mo na nagsasabing, ang sinumang maniniwala sa iyo ay matutupad ang pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo pa ang pamamahinga. Nahaharap kang muli sa mga hamon ng kapalaran na magbibigay sa iyo ng sobrang kasiyahan. Kailangan mong mag-ipon ng lakas. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-29-36-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling nagbalik ang mga araw na ihahanda ka para hindi masayang ang mga suwerte na nakatakdang sumaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-21-25-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Pagbigyan mo ang panlalamang ng isang malapit sa iyo. Huwag kang magalit o mainis dahil kasama sa buhay ng magkakaibigan ang naglalamangan sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-17-22-24-32-33.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang manghimasok sa problema ng iba dahil sa huli, mapupunta sa iyo ang kanilang problema. Mas magandang mabuhay nang tahimik at payapa. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-21-27-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lihim kang matuwa kapag may nandaya sa iyo. Ito mismo ang senyales na magaganap na ang pabaha sa iyo ng suwerte at malalaking buwenas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-13-19-29-30-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pasukin ang masikip hangga’t ito ay hindi dumudulas. Ito ang mga gawaing maliit ang tsansa na matapos o magawa nang maayos. Mas maganda ay du’n ka sa madadalian ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-20-28-31-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple lang ang susi para magising ang natutulog mong suwerte. Iunat mo ang iyong mga kamay at paa, at makinig ka ng masasayang musika. Ito ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-22-25-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong balikan ang malulungkot na nakaraan. Mas maganda na harapin mo ang pagdating ng mga bagong araw na magbibigay sa iyo ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-23-31-32-38-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mong mawala ang nasa iyo na. Ito mismo ang isa sa lihim ng mayayaman at yumayaman pa. Tularan mo sila at tiyak na mapabibilang ka sa kanila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-28-39-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang takdang araw na makikilala mo ang iyong sarili sa isang lihim mong kinaiinisan. Kapag nangyari na, lihim ka ring magpasalamat sa kanya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-26-34-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang umalis na o ang mga bagay na wala na. Dahil sa buhay mo, kung magbabalik-tanaw ka, ang mga lumayo sa iyo ay nagbabalik. Ibig sabihin, hawak mo at sa iyo pa rin ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-22-26-37-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun na ‘yun. Ang ibang laman ng isip mo ay likha lamang ng iyong mayamang imahinasyon. Ito ang susi para makawala ka sa iyong pagkalito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-11-19-21-28-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page