Horoscope | Oktubre 31, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 31, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2021 (Linggo): Huwag kang magpapagamit kahit kanino. Mas magandang unahin mo ang iyong sarili na yumaman kaysa ikaw ang magpayaman sa iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba ang paraan kung paano ka susuwertehin. Ito ay nagsasabing galitin mo ang malapit sa puso mo. Magugulat ka dahil biglang magbabago ito at papunta sa pagganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-17-20-24-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ka tumulong, kilalanin mo muna ang iyong tutulungan. Ang payo, huwag na huwag kang tutulong kapag masaya dahil ang itutulong mo ay sobra sa kinakailangan ng iyong tutulungan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-20-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahusay na guro ang sariling karanasan, pero higit na magaling ang aral sa buhay na nakukuha mula sa karanasan ng iba. Pag-aralan mo ang naranasan ng mga nabigo at nasaktan. Masuwerteng kulay-purple Tips sa lotto-4-12-21-25-31-36.
CANCER (June 21-July 22) - Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang ibang tao. Ito ang payo para sa iyo at hindi lang sa pagmamahal sa kapwa kundi maging sa aspeto ng iyong buhay sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-26-34-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang kapalaran mo na magdaratingan ang mga hihingi ng tulong sa iyo. Kung hindi mo kokontrolin ang iyong sarili, sa huli ay panghihinayang at pagsisisi ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-14-15-20-24.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magigising ka sa katotohanan na mas masarap pala ang nag-iisa kaysa may kasama na hindi maunawain at ang mga katwiran ay baluktot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-15-25-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makipaglaro sa mabangis na leon. Ang nakikipaglaro sa panganib ay nagsisisi. Huwag ka ring makipagsapalaran sa alam mong maliit lang ang tsansa mo na manalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-17-18-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makulimlim ang langit bago ang malakas na ulan. Ang kalungkutan ay dapat mong malaman na isa sa dahilan ng pagpangit ng kapalaran, kaya labanan mo ang iyong lungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-20-25-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka agad kapag may didikit sa iyo na nakasimangot at ang labi ay pinagdamutan ng mga ngiti. Parang mga sakit ang ganitong tao at baka ikaw ay mahawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-28-30-31-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang bawat salitang lalabas sa iyong bibig dahil ito ay lubhang makapangyarihan. Kung puwede, huwag kang magsasalita ng masama sa kapwa dahil magkakatotoo ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-25-27-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Susuwertehin ka at kung sino pa ang gusto mong gumanda ang kapalaran, hilingin mo na sa langit at ikaw ay tiyak na pagbibigyan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-15-20-25-31-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong itago ang iyong galing at husay. Gayundin, ilantad mo ang iyong kagandahan. Huwag kang mag-alinlangan dahil ito ang susi para sa iyong pagkaganda-gandang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-27-35-38-40.




Comments