top of page

Horoscope | Oktubre 30, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 30, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2025 (Huwebes): Hindi ka pa puwedeng mamahinga, dahil hindi mo pa naaabot ang pinakamataas na kalagayan na inilaan sa iyo ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang bagong buhay na posibleng maganap sa buwan ng Nobyembre. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-24-30-33-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo nang hintayin pa ang mga senyales para lang gawin ang iyong pangarap. Ipakita mo sa langit na ang plano o bagay na ito ay talagang gusto mo, at ito mismo ang gagawin mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-12-28-31-36-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Nasobrahan ang iyong saya sa nakaraang mga araw. Subalit, kulang pa rin ito para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-23-32-39-45.


CANCER (June 21-July 22) - Lumalakad ang mga panahon at naiiwan ang walang pangarap. Bakit ka papayag na maiwanan gayung may pangarap ka naman? Kumilos ka na ngayon! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-22-28-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Totoo ang iyong pakiramdam na sa susunod na taon ay maraming suwerte na ang dadapo sa iyo. Pero kung hindi mo pahahalagahan ang mga biyayang kaloob ng langit, masasayang lang ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-25-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tandaan mo, dinaragdagan ang kulang, habang ang sobra naman ay binabawasan. Kulang na kulang ang pagkilos mo at sobra ka naman sa pagpaplano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-26-32-37-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang paulit-ulit na kapalaran mo, dahil sa biglang tingin, dinadaan mo lang sa pangiti-ngiti ang buhay mo, pero kahit na ganu’n, ito rin ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-24-30-36-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtiwala para hindi ka magsisi. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-20-25-35-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sa mga nagdaang araw, halos lahat ay sinusuwerte at masaya dahil papalapit na nang papalapit ang Kapaskuhan, higit lalo kapag dumating ang iyong kaarawan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-28-30-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Usung-uso na ngayon ang “hugot,” ang payo para sa iyo ay nagsasabing humugot ka ng lakas sa mga nagbibigay-inspirasyon sa iyo. Ito ang susi sa mabilis na pagyaman. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-8-14-19-26-36-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga kaganapan na iyong ikagugulat, ngunit ang magara dito, anumang kaganapan ang mangyari, malaki pa rin ang magiging pakinabang mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-9-15-27-32-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masyadong magulo ang isip mo. Kaya mas maganda kung mauuna mong iplano ang iyong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-24-29-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page