top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Oktubre 30, 2022 (Linggo)

  • BULGAR
  • Oct 30, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 30, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2022 (Linggo): Hindi ka puwedeng apihin dahil ikaw ay isinilang upang magkaroon ng mas mataas na personalidad kaysa sa mga pangkaraniwan. Ikaw ang puwedeng mang-api, pero ‘wag mo itong gagawin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga mapanghusga dahil baka ikaw ay madamay. Walang magandang napapala ang mapanghusga dahil ang nakikita lang nila ay ang mga pagkakamali at kahinaan ng iba. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-29-38-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang iyong ginagawa ngayon at huwag kang makisali sa ginagawa ng iba. Mas makakaganda sa iyo kung sarili mo lang ang iyong uunahin ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-21-24-25-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Angat na angat ka ngayon. Sa biglang tingin, ito ay masayang balita, pero ikaw ay binabalaan na lantad ka ngayon sa mga inggitero at inggitera. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-15-27-30-33-38.

CANCER (June 21-July 22) - Tutulungan ka ng may nakakataas na ranggo. Magpasalamat ka, pero huwag mong pansinin ang iba pang motibo na kanyang ipakikita sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-20-21-26-28.

LEO (July 23-Aug. 22) - Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito kung kailan madali mong magagawa ang anumang gusto mo. Piliin mong gawin ang akala mo ay mahihirapan kang tapusin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-15-17-20-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masasaksihan mo ang mga kahinaan ng isip ng mga nasa paligid mo. Huwag mo silang pansinin dahil iinit lang ang ulo mo. Hayaan mong manatili silang ganu’n kaysa sumama ang loob nila sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-22-25-28-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabibigo ka kapag gumamit ka ng iba. Kung ikaw mismo ang gagawa ng paraan, mas malaki ang tsansa na magtagumpay ka. Dadayain ka lang ng akala mo’y makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-18-27-30-32-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pahirapan ang iyong damdamin dahil iba ang sinasabi ng iyong isipan. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa damdamin at hindi sa isipan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-27-28-36-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ng may buhay ay kailangan ng pahinga. Ang totoo, ikaw ay pinapayuhan na kahit hindi ka pa pagod at hirap, isingit mo ang pamamahinga ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-22-24-27-33-37-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipinaalala sa iyo na ang kailangan mo ay paghandaan ang mga araw na darating kung kailan marami ang umaasa na sila ay iyong papasayahin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-21-22-25-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tingnan mo nang pantay-pantay ang mga tao sa paligid mo nang sa gayun ay maiwasan mong pumanig sa mga dikit nang dikit sa iyo. Ito ang makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-9-11-15-28-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang nauna, siya dapat ang prayoridad mo. Ang iba ay bigyan mo ng pahalaga pagkatapos ng mga nauna. Ito ang tamang paraan para walang samaan ng loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-20-26-30-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page