top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 30, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 30, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 30, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2021 (Sabado): Habang pinipilit kang pabagsakin ng mga lihim at lantad mong kaaway, lalo kang itataas ng iyong kapalaran. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aalalayan ka ng malalapit mong kaibigan, ganundin ang langit. Kaya walang dahilan para mabigo ka sa mga layunin mo sa kasalukuyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilalanin ka sa iyong galing at husay, pero ang nakapagtataka ay kulang ka sa tiwala sa iyong sarili. Kapag nagtiwala ka sa sarili mo, sobrang layo ng iyong mararating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-25-28-30-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang iyong kapalaran na sa araw na ito, puwedeng-puwede kang malunod sa saya. Ibig sabihin, mas marami kang magagastos dahil lang sa iyong pagsasaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-13-16-32-36.


CANCER (June 21-July 22) - Kahit hindi masyadong bilib sa iyo ang isang tao, siya ay susunod pa rin sa gusto mo. Ito ay dahil sa katotohanang sa araw na ito, aangat ka sa maraming tao kahit may kahinaan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-22-25-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang suwertehin? Siyempre, “oo”, ang sagot mo. Pasayahin mo ang hindi mo kakilala, hindi naman kailangang gumastos ka pa ng malaki dahil simpleng saya lang ay puwede na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-19-21-28-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang utak mo at bigla kang makakakita ng kakaibang pormula ng pagpapayaman. Pero mahina ang loob mo kaya ang payo muna ay ipahiram mo ito sa malakas ang loob. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-9-16-26-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Minsan, nakatutuwa ang buhay sa mundo. Tulad ngayon, kahit nilalayuan mo ang isang tao, hindi pa rin siya hihinto sa pagbibigay sa iyo ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-20-25-37-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka ng iyong tahanan, pero ang utos na ito ay hindi simpleng bagay dahil ang tahanan na tinutukoy ay ang sarili mo at ang lumabas ay maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-20-24-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka pa nakakalimutan ng isang minsang tumulong sa iyo na akala mo ay hindi ka tutulungan dahil lahat ng tao ay minsan ding nangailangan. Puwede ka muling lumapit sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-28-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang katuparan ng malalaking ambisyon mo sa buhay. Ang kailangan lang ay ang maging alerto ka at sunggaban mo agad kapag nasa harapan mo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-13-16-27-33-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang pansinin dahil lalong gugulo at lalaki ang kung anu-anong sinasabi sa iyo. Kaya lang naman ganu’n ay dahil natatakot na mawala ka. Oo, natatakot na baka maagaw ka ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-15-28-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at lalo kang susuwertehin kung magsasaya ka. Ibig sabihin, huwag mong bigyan ng halaga ang mga kabiguan at negatibong pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-20-21-28.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page