top of page

Horoscope | Oktubre 29, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 29, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2025 (Miyerkules): Malambot ang puso mo, kaya marami ang mananamantala sa kabaitan mo. Gayunman, pagkakalooban ka pa rin ng hindi matapus-tapos na saya at suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakamasid sa iyo ang langit. Ang mga pagtulong mo sa kapwa ay tatapatan Niya ng madaming biyaya. Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong paglilingkod. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-13-29-33-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lolobo nang lolobo ang kaban ng iyong yaman habang patuloy kang nagsisikap. Sa huli, ang yaman mo ay aabot pa sa maraming salin at saling lahi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-16-21-34-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Magmadali ka, nang sa ganu’n ay marami kang makuhang pakinabang. Sa pagmamadali mo, marami rin ang malalampasan mo. ‘Wag kang mag-alala, dahil sa huli, sobra-sobra ang mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-23-33-36-45.


CANCER (June 21-July 22) - Mayayanig ka sa kakaibang galaw ng iyong kapalaran dahil sa malalaking suwerteng nag-aabang sa landas ng buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-26-29-31-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maaawa ka sa hindi naman dapat kaawaan. Nangyari na ito sa iyo noon. Kaya lang, ‘di ka naman nagbabago. Tulad noon, ang pagsisisi ay aabutin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-25-27-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang taga-hatol sa dalawang hindi magkaintindihan. Magagawa mo silang pag-ayusin dahil sa kakaibang talino mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-17-22-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka pa rin nagbabago, kung ano ang maganda sa iyo, iyon pa rin ang pinipili mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-13-24-31-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap kang kalaban dahil hindi ka basta-basta sumusuko, at ganu’n ka rin magmahal. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-20-23-32-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bababa ka. Ito ay dapat mong tanggapin nang maluwag sa loob dahil muli kang tataas at mas mataas na ito kesa dati. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-25-27-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagugulat ang iyong kapalaran dahil ikaw ay mababawasan, pero ikaw rin ay madaragdagan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-15-20-31-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na maglalaho ang lungkot. Kaya matatawa ka sa sarili mo dahil sa una, aakalain mong natatabunan ka na ng mundo dahil sa mabibigat na mga problema, pero kaligayahan pala ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-20-29-30-33-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng isa, magugulat ka, dalawa ang mapapasaiyo. Ito ay nagsasabing kailangan mong ikilos ang iyong kamay upang mas madami kang biyayang makuha. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-11-14-23-30-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page