top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 29, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 29, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 29, 2021 (Biyernes): Malakas ang iyong pandama, kaya mabilis mong nakukuha ang tunay na motibo ng nakakaharap mo. Kaya walang dahilan para ikaw ay maisahan ninuman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kontrolin mo ang iyong emosyon. Kapag hindi kontrolado ng tao ang kanyang damdamin, madalas na nakakagawa siya ng mga bagay na sa huli ay pagsisisihan niya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling magpapakita ng lakas ang iyong likas na gayuma. Ang totoo nga, bawal sa iyo ang magtagal sa salamin sa dingding dahil sobrang hahanga ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-29-31-32-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag ka nang makisangkot pa sa magulong sitwasyon. Ang maganda para sa iyo sa araw na ito ay ang magsaya nang magsaya kaysa makisawsaw sa problema ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-21-25-35.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang araw para hilingin mo sa langit ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-20-25-34-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo magagawa ang gusto mong gawin dahil awa ang tatalo sa iyo. Kaya ‘wag mo nang ipilit ang mga balak mong ikalulungkot ng isang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-14-27-31-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aatakihin ka ng hindi mo maunawaang lungkot na kahit magsaya ka ay nandu’n pa rin. Ang solusyon ay halungkatin mo ang mga naitago mong masasayang alaala ng lumipas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-21-24-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong magagandang katangian. Lahat ng gusto mo ay mapasasaiyo. Ito ang sikreto ng kapalaran kaya walang dahilan kung bakit hindi ka magkakaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-34-41-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Isang pribelehiyo ito para magkaroon ng pagbabago sa buhay mo, kaya ‘wag mong sayangin. Muli, tandaan mong hawak mo ang iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-26-35-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli, magparaya ka sa mahihina. Hindi kahinaan sa panig mo ang paminsan-minsan na pinagbibigyan mo ang mga nasa ibaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-18-29-26-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pansinin mo na sa araw na ito, ang magagandang bagay na nangyari sa buhay mo. Mali kapag ang pinagtuunan mo ng pansin ay ang mga kabiguan na naranasan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-23-27-30-32-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka sasaya, roon ka. Bakit hindi mo matakasan ang nagbibigay sa iyo ng kalungkutan? Ang isa pang payo para sa iyo ay mahalin mo ang iyong sarili higit kaninuman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-22-25-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala. Alisin mo ang iyong takot. Kumikilos ang langit para gumanda ang iyong buhay. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-20-30-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page