top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 28, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2021 (Huwebes): Hindi ka masisisi kung aakalain ng marami na ikaw ay tamad at ayaw magsikap nang todo. Ito ay dahil kusang nagdaratingan sa iyo ang mga suwerte kahit hindi ka magtrabaho.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Saya ang magtutulak sa iyo upang magawa mo ang mahihirap na proyekto. Saya rin ang magsisilbing panghatak mo ng mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-23-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili ng matatamis na ngiti mula mismo sa iyong mga labi. Mahirap paniwalaan, pero ang iyong mga ngiti ang iyong pampasuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-10-27-31-37-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Malilibang ka sa saya. Ang mahahalagang bagay at mga taong dapat mong tutukan ng atensiyon ay iyong makakalimutan. Gayunman, ito ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-24-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang magagandang kapalaran kaya hindi ka dapat huminto dahil nasaktan ang iyong damdamin. Magpatuloy ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-18-23-27-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon at sa iba pang araw na darating. Sino naman kaya ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga hindi naniniwala sa iyo at silang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-24-28-35-41-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Noong dumikit ka sa mga masayahin, sinuwerte ka. Muli mo itong gawin dahil ang nangyari na ay muling mangyayari. Ito ang nakasulat sa sagradong aklat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-27-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lihim kang tumawa kapag ang mga lihim at lantad mong kaaway ay kumikilos laban sa iyo. Hindi nila alam na ang masasamang gawa nila ay tiyak na mangyayari sa kanila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-17-26-30-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mong ang iba na abala sa pagsisikap. Ikaw, ayon sa kapalaran mo ay dadalawin ng mga suwerte kahit wala kang pinagsisikapang anuman. Ito ang mensahe ng iyong napakagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-28-30-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbubunga ang iyong pagod at hirap. Nakatakda ka ring regaluhan ng langit ng biyaya dahil ikaw ay natagpuang desididong magtagumpay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-24-33-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan at sinupin mo ang mga suwerteng ipagkakaloob sa iyo ng langit. May babala na dapat mong malaman na kapag ikaw ay nagpabaya, pagdadamutan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-8-19-23-35-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang tanggi ang hihingan mo ng pabor. Ang totoo nga, isa lang ang kailangan mo, pero dalawa agad ang mapasasaiyo. Ibig sabihin, sobra sa iyo ang matatanggap mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-16-26-36-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Parurusahan ng langit ang sinumang mandaraya sa iyo. Pero kung hihilingin mo na ‘wag nang ituloy ang parusa, pagbibigyan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-25-32-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page