Horoscope | Oktubre 27, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 27, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2021 (Miyerkules): Inaasahan na magtatagumpay ka sa buhay at ang tagumpay mo ay magiging marami dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat mayanig sa mga pangyayaring hindi mo makontrol. Ang mga ito ay mga pagsubok lang na tinitingnan kung gaano ka katatag at katibay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-20-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihaharap sa iyo ng langit ang isang oportunidad na kung iyong susunggaban ay magdadala sa iyo sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang katuparan ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-27-35-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalabas ngayon ang kakaibang tapang mo na harapin ang mga matagal nang walang magawa kundi hadlangan ka sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-21-26-34-37.
CANCER (June 21-July 22) - Masyado ka nang naapektuhan ng mga problema. Ang payo sa iyo ay nagsasabing dumikit ka sa malalakas ang loob nang magawa mong labanan ang mga pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-14-23-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang lakas ng iyong loob, ituon mo ito sa kung paano ka mabilis na aasenso. Ang paggamit ng lakas ng loob sa walang kinalaman sa kabuhayan ay isang pagkakamli sa panig mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-25-38-41-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bumuo ka ng plano bago sumugod sa larangan ng pagnenegosyo. Huwag kang tumulad sa marami na nagsasabing ang pagnenegosyo ay simpleng palakasan lang ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-13-27-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag kang tumulad sa iba na mas mahal pa ang karelasyon kaysa sa kanilang sarili dahil sa biglang tingin lang ito tama. Muli, mahalin mo munang mabuti ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-8-12-27-31-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Atras-abante ang mga suwerte mo dahil ikaw ay natagpuang pabago-bago ng prayoridad. Hindi na sila aalis sa buhay mo kapag ikaw ay kinakitaan ng pagiging desidido. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-13-27-34-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maganda ang takbo ng kapalaran mo sa araw na ito, pero magdahan-dahan ka lang dahil ang mabibilis na pagkilos ay maaaring ikadiskaril ng magagandang plano mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-28-30-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigla kang tatapang kaya magugulat ang lahat, pero ang higit na magugulat ay ikaw mismo. Ang hindi mo nagagawa sa nakaraang mga araw ay magagawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-26-28-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang kagustuhan ng malapit sa iyo kahit labag sa kalooban mo. Ang hindi mo alam at hindi rin niya alam sa mga kaganapan, ikaw ay higit na makikinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-18-20-21-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka sobrang kakabahan, ‘yun ang iyong piliin. Dahil ang tunay na kaligayahan at tagumpay na mahirap nga lang paniwalaan ay matatagpuan pagkatapos ng makapigil-hiningang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-10-14-17-20-25-43.




Comments