top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Oktubre 26, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Oct 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Oktubre 26, 2022


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 26, 2022 (Miyerkules): Si Mars at Venus ang ilan sa planetang gumagabay sa iyong kaarawan. Sila ang kinikilalang Diyosa ng Pagwawagi at Kagandahan, kaya hindi sila papayag na pumangit ang iyong kapalaran at hindi ka magwagi sa laban ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alala, ang mga hindi mo kayang isaayos sa buhay mo ay gagawan ng paraan ng langit upang ito ay maging maayos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-14-16-33-37-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil sa iyo na nakatutok ang hangin na may dalang ginhawa, kaya ang buhay mo ay madarama mo na gumiginhawa na. Masuwerteng kulay-violet. Ito ang magandang balita para sa iyo. Tips sa lotto-11-19-21-26-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Walang katiyakan ang buhay sa mundo. Marapat lamang na mag-ipon ka para sa iyong kinabukasan at para na rin sa mga hindi inaasahang araw ng kagipitan. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-24-25-34-38.

CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang araw na ikaw ay buwenas, ibig sabihin, inakala mo na hindi maganda ang magiging kapalaran mo. Pero ang totoo, gaganda pa ito nang husto sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-20-21-23-28-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tukso ang mahigpit mong kalaban ngayon. Kahit ayaw mo, hindi ka nito titigilan. Huwag mong kakalimutan na ang tukso ay mapangwasak ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-22-26-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babawi sa iyo ang kapalaran. Ang mga hiniling mo na hindi naibigay ngayon ay halos sabay-sabay na dadapo sa iyong buhay. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-17-25-26-36-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapasasaiyo ba ang malalaking suwerte at ang gintong korona para sa mga nagpakita ng kahanga-hangang ganda ng kalooban? Oo, dahil noon pa man, ito ay talagang para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na ipapakita sa iyo ang kahanga-hangang pangyayari sa kalikasan. Kasabay nito, kakaibang sigla ang bunga ng sikat ng Haring Araw ngayong umaga na magiging dahilan upang mawala ang mga lungkot sa buhay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-16-25-29-30-35-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mong pagsubok. Sobra sa sapat ang makukuha mong panlaban sa hindi naman gaanong mabigat na problema ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-22-28-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinatatag ng langit ang pundasyon ng iyong magandang kapalaran, kaya makikita mong nagdaratingan sa iyong buhay ang mga tao na puwedeng umalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-23-24-35-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan ng tao ang hanapbuhay dahil sa totoo lang, ayon sa Bibliya, “Siya ay namatay nang kumain ng bawal na bunga sa gitna ng halamanan.” Tanggapin mo ang hanapbuhay na inaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-28-31-32-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itapon mo ang hindi mo gusto dahil ang pananatili ng hindi naman mo gusto ay sagabal sa maayos na takbo ng buhay, pag-iisip at pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-25-26-30-35-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page