top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Oktubre 26, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 26, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Oktubre 26, 2012 (Martes): Hindi ka iiwanan ng iyong kapalaran kahit sa pinakamahirap mong kalagayan. Kikilos at kikilos ito upang bigyan ka ng isa pang magandang pagkakataon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ang iyong karisma ngayon na maaaring humantong sa isang napakalakas na gayuma. Mag-ingat ka dahil kahit ang mga wala nang karapatan ay mangangarap na angkinin at makasama ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang masuwerteng panahon kung kailan puwedeng-puwede mong mapalago ang iyong kabuhayan at puwede ring mapasaiyo ang kaligayahan sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-21-24-27-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumayo ka sa mapanuksong kilos at pananalita. Ang tukso ay nakakasira ng kapalaran at ang hindi tukso ay inspirasyon sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-21-24-28-36.


CANCER (June 21-July 22) - Dadalawin ka ng saya kaya kahit pakiramdam mo ay nalulungkot ka, ikaw pa rin ay sasaya. Ang saya ay nagbubunga ng mga kilos kung saan makikinabang ang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-20-25-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naaawat ang mga suwerte ‘pag dumarating sa buhay ng isang tao. Ang totoo nito, kahit ano pa siya, mali man ang diskarte niya o wala siyang kadiska-diskarte ay susuwertehin pa rin siya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-12-15-20-21.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang limitasyon ang tao kung tagumpay ang pag-uusapan. Kaya kung hindi ka hihinto sa pagpapayaman, ang yaman mo, sa maniwala ka o hindi ay hindi na mabibilang pa sa sobrang dami nito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-23-26-34-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humiwalay ka sa nagpapahirap sa iyo dahil hindi tama na mahirapan ka. Hindi ka isinilang para maghirap lamang. Ang para sa iyo ay masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-26-34-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan may magandang pagkakataon na mapaunlad mo pa ang iyong buhay, ‘yun ang piliin mo. At kung sakaling sa kasalukuyan ay maganda rin naman ang iyong kalagayan, pagandahin mo ito nang pagandahin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-14-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka sa mga palaangal dahil baka mahawa ka sa kanila at magtampo sa iyo ang langit. Ang mga palaangal, kahit kailan ay walang pag-asenso dahil sila ang mga taong sobrang negatibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-15-29-30-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masuwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at ang mga walang magawa kundi siraan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-21-29-33-38-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakalito ang sitwasyon dahil ang lahat ay parang handa kang bigyan ng masarap na buhay. Para hindi ka magkamali, ang payo ay piliin mo ang hindi ka gagawing alipin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-21-24-28.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maglinis ka ng bahay at linisin mo rin ang iyong silid-tulugan. Ito ang sikreto kung paano mas gaganda ang takbo ng buhay mo at kung paano mo maaakit ang mga suwerte sa paligid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-16-23-39-40.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page